Dream project nina Gladys, Juday, Claudine at Angelu, bongga kung matutuloy
Judy Ann Santos at Gladys Reyes
Dream project nina Gladys, Juday, Claudine at Angelu, bongga kung matutuloy
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2020 - 12:00am

Ang ganda pala sana ng dream project na gagawin nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angelu de Leon at Gladys Reyes kung natuloy.

Lahat sila nagbida sa serye at common denominator nila na kontrabida si Gladys. Kung natuloy iyon, ang ganda sana dahil ang daming character na maipapakita ng magkakasamang mahuhusay na serye actress.

Sana naman sa pagbabalik sa normal ng lahat, magawa pa rin ang dream project na ito.

Puwede pa rin naman kahit istorya lang ng mga babae, wala ng leading men, hah hah, sa mga babae lang puno na ang screen.

Bongga iyan. 

Direk Lauren, marunong magpasalamat

Ang sarap ng feeling na nakatanggap ng thank you sa sinulat mo o ipinost mong tao?

Marami namang very appreciative at talagang out of the blue you get a text of thanks to acknow­ledge, ‘yung nabasa nila, kaya very grateful ako. Lalo na at times ang dami kong bashers dahil sa opinyong binitiwan ko, very harsh at hindi ko alam saan hinuhugot ‘yung galit. Kaya light and sunshine pag merong nag-text at nagpasalamat.

Thank you very much kay Lauren Dyogi, talagang kinilig ako kasi nga hindi ko inaasahan na sa konting sulat ko, makakatanggap ako ng thank you text.

Matagal ko nang hinahangaan ang body of work niya, matagal ko nang naririnig ang husay niya sa trabaho, ‘yung pagiging very professional at mabait niya sa tao.

‘Yung success niya ay hindi na kataka-taka, dahil inaasahan na ng lahat ng nakakakita how he works and how he mingles with people. ‘Yung work ethic niya na legendary, dahil lahat ng nakatrabaho niya bow sa kanyang pakikitungo.

Now I know why appreciative siya sa maliliit na bagay, marunong siyang mag-thank you na hindi ginagawa ng iba.

I know now why Lauren Dyogi was chosen, he got what it takes to make Star Magic more magical, soar higher.

Perfect replacement for the legendary Johnny Manahan when it comes to choosing talents and training them. Salute, Lauren Dyogi, congrats. 

 

 

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with