Paulo, hindi nahirapang maging tatay
Paulo
Paulo, hindi nahirapang maging tatay
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

Magsisimula na mamayang gabi ang teleser­yeng Walang Hanggang Paa­lam na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Paulo Avelino. Malapit umano sa puso ng aktor ang ginagampanang karakter bilang si Emmanuel Salvador dahil sa pagiging tatay nito. “Sigu­ro may hawig, may anak rin naman ako and alam ko rin ‘yung pakiramdam. Para ‘yon na rin ‘yung pinagbabasehan ko siguro. ‘Yung process of training my character wasn’t really that hard with the help of our directors and the creative team,” pahayag ni Paulo.

Masaya ang aktor na nagkaroon muli ng proyekto kahit na patuloy pa rin na­ting kinakaharap ang banta ng covid-19 pandemic.

Ipinatutupad ng Kapamilya Channel ang TV production security and safety protocols upang mapanatiling ligtas ang bawat isa sa trabaho. “Hanggang sa maaari tina-try natin na hindi lumabas. Pero sa pagkakataong ito, kailangan na rin ng trabaho ng mga tao at pati na rin ako. So ‘yon rin ‘yung isang motivation. Hindi na ito tungkol sa aming mga artista, it’s more than that. It’s for everyone’s work,” giit niya.

Ayon kay Paulo ay talagang ibang-iba ang masasaksihan ng kanyang mga tagahanga sa bagong serye. Bukod sa pagiging magaling na dramatic actor ay ipakikita rin ni Paulo ang kanyang kakayahan sa paggawa ng action scenes. “I enjoyed doing action scenes. Hindi naman pa-macho effect pero na-enjoy ko siya. Kasi parang ito lang ‘yung way ko, kasi hindi naman ako marunong sumayaw. So feeling ko it’s my way of showing a dance step. Kasi we follow routines and maneuvers,” paliwanag ng aktor.

Kasalang KZ at TJ, hindi natuloy

Mahigit anim na buwan nang ipinatutupad ang community quarantine sa bansa dahil sa krisis na kinakaharap na dulot ng pandemya.

Maraming mga plano ang magkasintahang sina KZ Tandingan at TJ Monterde ang hindi natuloy dahil sa covid-19 pandemic. “Let’s just say I’m a planner. If kaya kong planuhin ang buong taon I would, and I actually did. But ayun, corona happened. December of last year I got engaged and this year we planned na magpakasal. Dapat pupunta kami ng ibang bansa para mag-aral ng music and then at the end of the year dapat may tour kami. Tapos lahat hindi natuloy. It was hard but first thing na nag-enable sa akin to move forward is to accept. Sa equation na ‘to the only variable that I have control over is how I react to the situation. Medyo na-learn ko to just take each day as it comes. Kasi mahirap magplano ngayon. Sa industry na ‘to, if you don’t learn how to adapt maiiwan ka talaga,” pagbabahagi ni KZ.

Kahit hindi nakalalabas ay nakapagtatrabaho pa rin ang Asia’s Soul Supreme sa bahay. “Natuto akong mag-mix, mag-produce ng mga kanta. natuto akong mag-edit ng vi­deos. Noong nag-start ang quarantine I was able to write seven songs,” kwento ng dalaga.

Noong Sabado ay nagsimula na ang taunang music festival ng Coke Studio na mapapanood sa pamamagitan ng YouTube kung saan ay kabilang si KZ. “Music ang palaging pinupuntahan ng tao for comfort. So sobrang nakakatuwa na may ganito. Kumbaga pwede pa rin natin samahan ang mga kababayan natin through music kahit hindi natin sila physically nakakasama,” pagtatapos ng singer. (Reports from JCC)

PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with