Hirit ni Marjorie âbaboy ang styleâ Sonza gustong turuan ng leksyon
Hirit ni Marjorie ‘baboy ang style’ Sonza gustong turuan ng leksyon
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

Si Julia Barretto naman ang personal na nagsampa ng reklamo laban kay Jay Sonza kahapon.

Ito ay matapos gumawa ng ingay ang post sa social media page ni Mr. Sonza na diumano’y pinatunayan nila Julia at Gerald Anderson na hindi sila baog.

As if alam na alam ni Mr. Sonza at kumpirmado niya ang tungkol dito eh never naman umamin sina Julia and Gerald na naging sila.

Literal na fake news ang nasabing post ni Mr. Sonza na mabilis ngang sinagot ni Julia at Gerald, indirectly na address sa kanya pero alam mong ‘yun ang sagot nila.

Kahapon ay pumunta na si Julia sa National Bureau of Investigation para nga pormal na kasuhan ang former broadcaster.

Kasama niyang dumating sa NBI ang mother niyang si Marjorie Barretto at ang kanyang abogado.

“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family. I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact,” ayon kay Julia sa interview ng ABS-CBN.

Pahayag pa ni Julia kay MJ Felipe ng ABS-CBN, gusto niyang turuan ng leksyon si Mr. Sonza sa pagiging careless nito sa pagkakalat ng maling kuwento. “Ang dami ko na kasing pinagdaaan, ang dami ko nang pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. You know, I think I just want to show people na hindi ko na pinapalampas ‘yung mga bagay na ganito,” dagdag niya pang sabi.

Hirit naman ni Marjorie sa nasabing interview, “Yung pagka-iresponsable mo lang Mr. Sonza, sobra eh. Hindi ka man lang nagtanong sa mga malalapit sa buhay niya. Walang pinanggalingan ‘yung sinasabi po ninyo.

“Ang pagkaka-confirm pa ninyo eh baboy ‘yung style. ‘Di n’yo na nirespeto ‘yung pagkababae niya at saka bata,” na protektado ang mga anak tapos gagawan nga naman ng ganung isyu.

Nanahimik naman si Mr. Sonza kahapon at walang update o sagot sa naging resbak sa kanya ni Julia na kaso. Nauna na siyang naglabas ng sorry at binura ang post pero sabi nga the damage has been done.

Walang inaamin sina Gerald at Julia although na-issue noon ang diumano’y ghosting ni Gerald sa ex girlfriend na si Bea Alonzo. 

Walang outright mention noon pero alam sa showbiz na si Julia ang pinatutungkulan dahil sa ginawa nilang pelikula noon ng actor na Between Maybes na nag-shooting sa Japan.

The other day lang ay personal ding nagpunta sa korte si Liza Soberano para naman kasuhan din ang isang follower na nagsalita naman na puwede siyang ipa-rape na related sa kanyang reklamo noon sa isang internet provider.

Ganundin si former Miss Universe Catriona Gray na kinasuhan din ang mga nagkalat   diumano ng mga fake nude photos niya.

Sino na kaya ang susunod na magdedemanda?

Si Gerald Anderson kaya?

 

 

MARJORIE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with