Pamilya ni Robin, nahawa rin ng virus
Pamilya ni Robin, nahawa rin ng virus
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

Nadale rin pala ng coronavirus ang pamilya ni Robin Padilla.

Kahapon ay sinabi niyang two weeks silang nagkaroon ng infection pero gumaling na.

Narito ang buong kuwento ng inactive action star kung paano sila gumaling sa kanyang IG page.

“2 weeks of infection
“Walang pinipili ang sakit kaya mag iingat po tayo in shaa Allah
“Napakabilis ng pagkalat ng Flu virus. Nag umpisa sa baradong ilong ko at pa isa isang ubo na lumipat kay isabela at nailipat naman nya sa mama niya, kapatid nya at ninang analyn. Alhamdulillah naagapan ang pagkalat sa mga ibang kasamahan dahil sa kagyat na pag quarantine sa aming may mga flu at ang pagkarga ng vitamin c ng lahat ng mga nasa bahay at ang pagsaksak ng flu vaccine sa mga hindi carrier.
“Maraming salamat babe @marieltpadilla sa pag aalaga mo sa aming lahat kahit hirap ka sa paghinga inaasikaso mo pa kaming lahat
“Maraming salamat sa mahal na ina @evacarinopadilla sa palagiang pagkamusta sa amin sa zoom
“Maraming salamat @betchayvidanes sa mga kahon ng airborne vitamin c Maraming salamat sa aking mga doctor sa dr jesus delgado hospital at sa mga frontliners nito na nag asikaso sa aking general check up.
“Maraming salamat din sa lahat ng nagpadala ng pagkain sa amin
@rafaelsazon @usama_syllogist @elgab18
“Maraming salamat din kay dra carmella guevarra na siyang suki namin sa covid testing at flu vaccination.
“Maraming salamat sa lahat ng panalangin para kamiy gumaling at wag mahawa ang iba.
“Maraming maraming salamat din sa lahat ng mga kasama namin sa bahay ni mariel at analyn.
Kay ate erna, sister jo, elsie, sister jam, narcisa, belen, rico guardia, utoy at peter.
“Higit sa lahat maramimg maraming salamat sa nag iisang Panginoong Maylikha na nagbigay sa amin ng biyaya ng kakayahan makapagpagamot at magpagamot ng mga kadugtong ng pisi Alhamdulillah
“Maraming maraming salamat sa lahat In shaa Allah ay maging maayos ang kalusugan nating lahat Ameen.”

 

 

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with