Laurenti Dyogi, bagong bossing ng Star Magic
Laurenti Dyogi
Laurenti Dyogi, bagong bossing ng Star Magic
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

Pormal nang inanunsyo ng ABS-CBN ang pagtatalaga kay Laurenti Dyogi bilang bagong Head ng Star Magic simula Enero 1, 2021 kapalit ni Mariole Alberto.

Kasunod ng mga pagbabago sa kumpanya dahil sa patuloy na pagbabawas ng manggagawa, magpapaalam si Mariole Alberto sa ABS-CBN sa Disyembre 31, 2020.  

Naging mahalaga ang papel ni Mariole sa pagtutuklas at paggabay sa mga pinakasikat na artista sa bansa ngayon at sa tagumpay nila.

Kinikilala at pinasasalamatan ng ABS-CBN ang maraming kontribus­yon nina Mariole at Johnny Manahan o “Mr M” sa kumpanya, Star Magic, at sa industriya.

Tinitiyak din ng ABS-CBN na patuloy na itataguyod ng Star Magic Artists ang mga kaugalian, makabuluhang aral, at malasakit na sinimulan nina Mr. M at Mariole.

Pangungunahan naman ni Lauren, kasama ang Star Magic team, ang pagtutuklas, paggabay, at pagma-manage ng mga artista ayon pa sa pahayag ng network. Patuloy rin daw silang maghahanap ng mga oportunidad na babagay sa mga Star Magic artist.

Ang bagong tungkulin ni Lauren ay dagdag pa sa posisyon niya bilang Head ng Entertainment Production.

Anyway, kasalukuyang consultant at magdidirek ng mga programa si Mr. M for Brightlight Productions ni Mr. Albee Benitez na major blocktimer ngayon sa TV5.

Janella hindi pa rin nakita ang tummy sa birthday ni Jenine

Disappointed pa rin ang maraming fans ni Janella Salvador kung true ba talaga na diumano’y preggy siya courtesy of Markus Paterson.

Sa kanyang happy birthday post para sa kanyang mommy, hindi siya nakita ng full body kung saan nga sa London nag-celebrate si Ms. Jenine Desiderio.

Maalalang matagal ding hindi naging ok ang diumano’y set up ng mag-ina noon pero ngayon ay obvious na magkasundung-magkasundo na sila.

Walang nagsasalita kung totoo ang kumakalat na issue about Janella.

LAURENTI DYOGI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with