Regine, hindi nagsisi sa paglipat!
Regine
Regine, hindi nagsisi sa paglipat!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

Magdadalawang taon na ang nakalilipas nang magpasyang lumipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN. Matatandaang dalawang dekada ring nagtrabaho ang Asia’s Songbird sa GMA bago pa tuluyang nakalipat sa Kapamilya network.

Hindi naman umano nakaramdam ng pagsisisi ang singer kahit napatigil na sa pag-ere sa free TV ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito.

“I never regret. I will never regret anything. It was my decision to go back to ABS because I wanted to experience something else, something new. I wanted to work with the people that I used to work before but was not able to because of the whole GMA, ABS thing. Before the pandemic I was able to experience it naman eh. Ang dami kong nagawa before this, hindi man nga nabigay ‘yung renewal ng ABS, marami naman akong nagawa,” makahulugang pahayag ni Regine.

Napapanood ngayon ang Asia’s Songbird sa ASAP Natin ‘To sa pamamagitan ng Kapamilya Channel sa cable at sa digital platforms ng ABS-CBN. Ang tanging hiling lamang ni Regine ay makatrabaho ang mga pinakamagagaling na singers sa bansa. “Kasi dumadami rin ‘yung mga kaalaman mo sa mga kanta, ang dami mong natututunang kanta. You also work with other people, so you also learn from them. So ‘yun ang exciting doon. A lot of times nagkakamali ka, but you wing it. It’s part of the whole excitement. Minsan maganda performance mo, minsan hindi. Minsan may boses ka, minsan wala. It’s all part of the excitement of having a live show. I missed that very much,” paliwanag ng singer.

Vice nadiskubreng hindi siya malakas, pero kinakaya ang sunud-sunod na pagsubok

Kabi-kabila ang kinaharap na pagsubok ni Vice Ganda ngayong taon. Bukod sa pagkakaroon ng pandemya, pagpapasara ng ABS-CBN ay namatay din kamakailan ang isang matalik na kaibigan ng komedyante. Nananatili namang positibo ang pananaw ni Vice sa kabila ng mga nangyari.

“I’m trying to be positive pero no’ng sabay-sabay na, napadasal ako. Sabi ko, ‘Lord, kaya ko po, kaya ko naman po ‘yung pagsubok n’yo eh, pero pwede po bang isa-isa lang?’ Kasi noong nagsabay-sabay na, nahirapan na ako talaga. Takot na takot ako sa COVID, takot na takot ako na mahawa. Takot na takot akong tuluyang magsara ang ABS-CBN kasi mawawalan kami ng mga trabaho. Hindi lang dahil sa pera, pero ‘yung thought na hindi na ako magtatrabaho. Hindi na kasi ako sanay na hindi nagtatrabaho. Tapos takot na takot ako na isa-isang nawawala ‘yung mga taong malapit sa akin. Una, parang nawala ang pamilya ko sa akin physically kasi hindi ako makapunta sa bahay ng nanay ko. Hindi rin sila makapunta sa akin. Dapat i-isolate natin ang isa’t isa, mag-quarantine tayo para safe tayo at hindi kumalat ang virus. Tapos nawala ‘yung katrabaho ko. Tapos hindi kami umeere (sa free TV) so ang natitira sa akin ‘yung mga kasama ko sa bahay. Tapos ‘yung best friend ko nawala. Hindi ko maintindihan bakit, kung paano,” pagdedetalye ni Vice.

Sa kabila ng mga pagsubok na naranasan ng It’s Showtime host ay natuklasan nito sa sarili ang kanyang kahinaan dahil sa takot at lungkot na nadarama. Palaging ang pagiging masayahin lamang ni Vice ang nasasaksihan ng mga manonood sa telebisyon at mga pelikula.

“Hindi pala ako gano’n kalakas at kailangan ko maramdaman na hindi ako gano’n kalakas para kumapit ako roon sa malakas. Akala ko lahat ng problema ay kaya kong gawan ng paraan. I thought I could be in control all the time but now, it’s very clear I cannot be in control of everything,” pagtatapat niya.  Reports from JCC

REGINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with