Julia lumundag sa Viva, mapapanood sa TV5!
YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

Noong Thursday ay may isa akong nakatsikahan na nagtanong ng, “Saan na ba ngayon si Julia Barretto?”

‘Yun lang ang sinabi ng kausap ko at tumahimik na ito.

Pero kahapon, isang source ng Pilipino Star Nga­yon ang nagkuwento sa akin na nag-alsa-balutan na sa ABS-CBN si Julia Barretto!

Lumipat na raw sa pangangalaga ng Viva Ar­tists Agency si Julia. Wala na raw siya sa Star Magic ng Kapamilya Network.

Pati raw ‘yung new series na dapat ay pagbibidahan ni Julia (kung saan ay nakapag-story conference na sila via Zoom app), ay hindi na rin daw tumuloy ang aktres.

Nagulantang nga raw ang production na may hawak ng nasabing series.

Ang chika ng source ng PSN, “May revision sa script. Mababago ang istorya.

“Nakapag-COVID-19 swab test na rin kasi sila at nakapag-quarantine na rin, kaya hindi na puwedeng i-delay pa.

“Ang alam ko, si Barbie Imperial na ang bida!” sabi ng kausap ko.

Bale ito ‘yung series na kasama rin sina Tony La­brusca, Denise Laurel, Sunshine Cruz at iba pa.

Inusisa ko nga ang isa sa kasama sa cast kung alam na ba nila na wala na sa series na ‘yon si Julia?

“Naku, Jun, off the record. Confidential daw.

“Yes, wala na nga raw si Julia. Pero tuloy kami. Tuloy ang show.

“May changes lang na naganap.

“I heard she moved to Viva nga raw.

“She signed up with Viva na nga,” sabi ng isa sa mga kasama sa show ng Kapamilya Channel.

Isang Viva-insider din ang tsinika ko.

Nasa kanila na ba talaga si Julia?

“Jun, alam mo naman dito sa Viva, secret pa ang lahat, pero I heard nga.

“Pinag-uusapan na dito, pero ayoko namang magtanong. Mahirap na.

“Pero for sure, ang mga boss (level ni Boss Vic del Rosario at mga anak niya) ang direktang kausap ni Julia,” sabi ng kausap ko.

Sabi ko nga sa taga-Viva na tsinika ko, at least, may big star na ang ABS-CBN na lumipat sa kanila ngayong hindi na na-renew ang free channel frequency franchise ng ABS-CBN, huh!

Noon pa kasi natsitsika na mara­ming Kapamilya stars ang lilipat sa Viva Artists Agency, pero wala pa namang big star talaga.

In fairness, big star naman ang level ni Julia, ‘noh?!

Oo nga pala, may tsikang maraming shows ang sisimulan ng Viva sa TV5, so, sure na kaya na isa sa mga ‘yon ang pagbibidahan ni Julia?

Well, what do you think, Ateng Salve?

Agree or disagree?! ‘Yun na!

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with