Ryle, damay sa pagbabayad ng utang ng nanay na na-swindle
Ryle
STAR/ File
Ryle, damay sa pagbabayad ng utang ng nanay na na-swindle
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

Naka-text ko si Sherilyn Reyes noong nakaraang Miyerkules ng gabi para kapanayamin sana namin sa DZRH.

Kaya lang, ayaw muna niyang pag-usapan ang nangyari sa kanilang negosyo kung saan nagkaroon ng problema sa kanilang partner.

Ang unang lumabas na balita ay na-swindle raw sila sa negosyo. Pero ayaw ni Sherilyn na
ilatag ang buong kuwento dahil may kaso pa raw ito, kaya hindi pa sila puwedeng magsalita.

Nangako naman siyang ikukuwento niya sa amin lahat kapag okay na talaga dahil malaki at maimpluwensyang tao ang kalaban nila.

Ramdam namin ang bigat na pinagdaraanan ni Sherilyn dahil talagang apektado raw talaga ang kabuhayan niya.

Mabuti na lang at pinasok din ng aktres ang pagbebenta ng Beautederm products kaya doon na muna siya naka-focus.

Nabasa ko nga sa post niya sa kanyang Instagram account kamakailan lang na meron na siyang pinatulang basher na kung saan pati ang pagsuot ng shades ng anak niyang si Ryle Santiago ay pinupuna na kesyo feeling sikat daw na naka-shades pa sa loob ng isang mall.  Sabi ng basher kay Ryle : “Naka shades ka pa kanina sa Shang-rila mall. Papansin akala mong sikat ka. Tulungan mo nalang nanay mo maglako ng Beautederm hahaha” na parang ganun na talaga ka cruel ang mga taong ito at ganoon na rin kababa ang tingin nila sa ibang artista,

Kaya dahil na rin sa pinagdadaanan nila, pinatulan ito ni Sherilyn at sinagot niya sa kanyang IG account.

Obvious namang hindi masaya ang taong ito para pagtawanan at laitin ang kalagayan ni Sherilyn at ng pamilya.

Una, ipinaliwanag niyang hindi naka-shades si Ryle kundi naka-tinted face shield ito. Bukod pa sa malabo raw ang paningin ng anak niya dahil nagda-dilate daw ang pupil nito.

Dito inilahad na ni Sherilyn ang nangyari sa kanila na kung saan na-swindle sila na hanggang ngayon ay pinagbabayaran daw nila ito. Sabi niya; “WALA daw KAMING PERA, totoo rin! At kahit kailan lalo na sa mga kakilala ko ay never ko ikinaila na wala akong pera ngayon.

“Sa kasamaang palad, na-swindle ako last year. Masaklap pero buong pamilya ko ay lumalaban araw-araw at gumagapang para mabayaran ang utang na di naman amin. Pera na itinakbo ng iba, pera na sana ay magiging seguridad ng mga anak ko sa kanilang kinabukasan.”

Araw-araw daw niya itong idinarasal na kulang na lang daw ay isigaw na raw niya sa Diyos na sana matapos na itong hirap na pinagdadaanan nila dahil lang sa panloloko ng ibang tao.

Malaking bagay ding nandiyan ang Beautederm na inilalako raw niya para lang kahit paano ay may pantustos sila sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Bahagi ng post na ito ni Sherilyn :  “OO. TAAS NOO KONG ILALAKO HABAMBUHAY ANG BEAUTEDERM—ako, isang libo ng aking mga kasamang ambassadors at sellers ay namumuhay at nangangalakal ng marangal upang kumita. At lagi kong sinasabi, isang napakalaking biyaya ang meron oportunidad na ganito, isang BEAUTEDERM, maayos na negosyo na malaking tulong sa amin lalo na ngayon.”

Nakakatuwa na marami ang natutulungan ng Beau-tederm ni Rhea Anicoche-Tan.

Bukod kay Sherilyn, maganda rin daw ang negosyong ito ni Rita Daniela na kailangan ding pantustos sa pagpapagamot sa kanyang Mommy.

Si Sylvia Sanchez ay maayos din ang Beautederm store, pati si Alma Concepcion at kahit sina Glydel Mercado at Lorna Tolentino.

Happy birthday...

Noong Miyerkules lang natapos ang pa-game show online ni Sen. Bong Revilla kaugnay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw.

Bukod sa 1,600 tablets, cellphones ay halos 30 laptops ang ipinamigay nila noong Miyerkules na karamihan ay napunta sa mga guro na kailangan para sa kanilang online schooling.

Marami pa raw silang hindi napa-raffle, kaya baka mai-extend pa ito at pinag-iisipan na rin ni Sen. Bong na ituluy-tuloy ito hanggang Pasko.

Isa nga ako sa nag-suggest sa kanya na kahit weekly lang ay may ganoon siyang palaro sa kanyang Facebook at YouTube channel para mas marami pa siyang matulungan.

Ngayong araw actually ang birthday niya.

Happy birthday, Sen. Bong Revilla!

DZRH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with