Angel puro yes or no lang sa kasal nila ni Neil!
Angel at Neil
STAR/ File
Angel puro yes or no lang sa kasal nila ni Neil!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

Posibleng sa susunod na taon na matutuloy ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce. Ngayong taon dapat magpapakasal ang magkasintahan pero nagbago ang plano ng dalawa dahil sa kinakaharap na krisis ngayon sa bansa na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Angel ay mas abala pa raw si Neil sa pag-aasikaso para sa kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib. “Actually mas bridezilla siya. Ako kasi yes or no lang, okay o hindi. Gano’n lang ako, pero nahanap na niya ‘yon lahat. Iye-yes or no ko na lang sa kanya. Gano’n siya,” natatawang pahayag ni Angel.

Dahil sa pandemya ay kinaila-ngang ulitin ng magka-sintahan ang lahat ng ginawang paghahanda noon.

“Kailangan naming ulitin ‘yung planning. Tapos na dapat siya eh. Better na safe ang lahat at confident na walang sakit. So I think best decision namin na i-move na lang ang wedding,” pagtatapat ng dalaga.

Sobrang suporta raw ang ibinibigay ni Neil kay Angel lalo na sa lahat ng mga charity event na pinangungunahan ng aktres.

Magkatrabaho rin ang magkasintahan ngayon sa Iba ‘Yan, kung saan ay si Angel ang host at si Neil naman ang direktor nito. “Super supportive niya talaga, at ganito ‘yon ah, hindi mo na niyayaya, hindi ka na nagsasabi, siya lang, biglang darating siya, gano’n lang. Kasi medyo ma-pride ako sa mga gano’ng bagay, asking for help. So nakakatuwa na siya lang talaga ang nagkukusa,” pagbabahagi ng aktres.

Melai, gustong i-lips to lips si Alex

Tapos na ang shooting ng comedy-horror film na pinagbibidahan nina Toni at Alex Gonzaga. Kabilang din sa proyekto ang kaibigan ng magkapatid na si Melai Cantiveros.

Ayon sa Magandang Buhay host ay nakaramdam siya ng lungkot nang malamang huling araw na pala ng kanilang trabaho dahil magkakaibigan silang lahat sa set. “Sobra talaga bitaw, nakaka-sepanx, lalo na ‘pag mga kaibigan mo talaga ang mga kasama ko. Gusto ko lang i-shout out and loud na very grateful ako sa friendship na binigay ni Lord sa amin. As in talaga super ang tawanan, lokohan, sharean minsan nagkakaiyakayan pa,” post ni Melai sa Instagram.

Napahanga rin ang komedyana sa pagiging isang magaling na direktor ng kaibigan din nila na si Fifth Solomon.

“Kay direk Fifth na napakagaling sa larangan ng direksyon, nakaka-proud na kaibigan mo na ang nagdidirek sa ‘yo. ‘Yung napaka-comfortable mo habang nagwo-work ka,” dagdag ni Melai.

Malaki ang pasasalamat ni Melai kina Toni at Alex dahil hindi na iba ang turing ng magkapatid sa kanya.

“Kay ate Toni, talagang ate na ate sa amin ni Alsy Balsy (Alex). I’m so happy kasi aside sa trabaho, nakaka-proud na ang producer mo ay kaibigan mo rin. At ‘yung wisdom sa araw-araw ay the very best for me. Lagi ko isha-share sa iba. Siyempre to my Alsy Balsy (Alex), best friend. Thank you kasi talagang sobra Also, wala akong kapatid na babae pero ikaw sobra ang love mo, na-feel ko ‘yon sa ‘yo, gusto mo pa mag-lips to lips tayo. Huy pero talagang very grateful ako sa FRIENDSHIP talaga. As in family na ako. Kay direk Paul (Soriano) at sa @ten17p napaka organize and isa sa napakagaling na production Ive ever work, Sana uulitin hehehehe. Dati nga pag uwi ko wala akong bukang bibig kundi kayu, sabi ni Jason, Amazing,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with