News personality, may mga pinatatamaan!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 25, 2020 - 12:00am

Iba ang pagtanggap ng mga kasamahan at kakilala ng isang beteranong news personality sa madalas niyang pagpapasaring ngayon sa kanyang programa tungkol sa mga kasamahan niyang tumanggap na ng trabaho sa ibang network.

Panay-panay ang kanyang pagsasabi na siya raw ang tunay na tapat sa kanilang istasyon. Forever daw siyang mananatili sa nasabing network.

Komento ng isang source, “Bakit kailangan pa niyang magparinig sa mga kasamahan niya, e, maayos naman silang nagpaalam sa dati nilang network?

“Nagpaalam sila, pinayagan naman, kaya bakit kailangan pa silang paringgan ng isang kasamahan nila sa ere? Bakit pa niya sinasabi na hindi raw siya katulad ng ibang katrabaho niya na nakalundag na agad sa ibang istasyon?” unang pagpuna ng aming impormante.

Lumalabas tuloy na bitter ang news anchor. Nakahanap na kasi ng bagong network ang mga kasamahan niya pero siya ay wala naman yatang alok mula sa ibang istasyon.

Patuloy ng aming source, “Kitang-kita tuloy na kaya siya nagkakaganyan, e, wala naman yatang nag-o-offer na ibang network sa kanya. Naiinis siguro siya dahil beterano na nga naman siya sa linyang ‘yun, pero bakit naunahan pa siya ng iba?

“Ano ba ang gusto niyang mangyari, ang mabalagoong na lang ang mga kasamahan niya? Wala naman silang gagawing programa sa station nila, kaya natural lang na humanap sila ng mapagseserbisyuhang bagong network, di ba?

“Palagi siyang nagpaparinig. Sabi raw nang sabi ang ibang mga kasamahan niya na loyal sila sa kanilang network, pero hindi naman!

“Kasalanan ba nu’ng mga kasamahan niya kung inalok sila ng trabaho ng ibang station? Kasalanan din ba ng mga kasamahan niya kung walang nag-alok sa kanya ng trabaho sa ibang bakuran?

“Kung sinasabi niya palagi na siya ang tunay na tapat sa network nila, e, di siya na! Kanyang-kanya na ang kredito, wala namang nang-aagaw sa kanya nu’n!

“Naku, mga kababayan ko, nais kong malaman n’yo, biter-biteran ang news anchor na ito!” pa-rap na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Raffy and Willie, walang interes sa posisyon

Dalawang sikat at mapusong personalidad ang nakakatanggap na ng mga alok na tumakbo sa susunod na halalan. Pinatatakbo sila bilang senador para mas lumawak pa ang kasalukuyang pagtulong nila sa ating mga kababayan.

Sina Raffy Tulfo at Willie Revillame ang ngayon pa lang ay “nililigawan” nang makilahok sa mundo ng pulitika sa 2022. May mga lumalapit nang emisaryo ng iba-ibang partido sa kanila.

Ayon sa aming kausap ay idinaan daw sa survey ang paglitaw ng mga pangalan nina Raffy Tulfo at Willie Revillame. Sila ang nangunguna sa listahan dahil sa ginagawa nilang pagtulong sa mga kababayan natin lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kung pag-ayuda sa mga kababayan natin ang pag-uusapan ay saksi naman ang publiko sa kagandahan ng puso ng dalawang TV personalities.

Sa kanyang mga programang Idol In Action at Wanted Sa Radyo ng TV5 ay libu-libo nang mga lumalapit kay Raffy Tulfo ang binabahaginan niya ng suportang pampinansiyal.

Sa kanya rin lumalapit ang mga kababayan nating gustong magsumbong tungkol sa mga personal nilang problema. Mabilis kasing nasosolusyunan ng palabang news anchor-komentarista ang mga inilalapit sa kanya.

Bukas na bukas naman ang palad ni Willie Revillame sa kanyang programang Tutok To Win, hindi na nga game show ang Wowowin ngayon, parang naging public service program na sa dami ng kanyang natutulungan.

Wala siyang anumang posisyon sa ating pamahalaan, pero anim na milyong piso ang ibinigay niyang ayuda sa mga nawalan ng trabahong jeepney drivers, bukod pa ‘yun sa mga araw-araw niyang pinepremyuhan sa Tutok To Win.

Tama ang resulta ng survey, kung pagtulong sa mga nangangailangan ang pag-uusapan ay karapat-dapat ngang pumasok sa mundo ng pulitika sina Raffy Tulfo at Willie Revillame, pero nakahanda na ba ang kanilang kalooban?

Pareho namin silang regular na nakakausap, sa timpla namin sa kanilang pananalita ay parehong malayo ang kanilang bituka sa mundo ng pulitika, mas gusto nilang tumulong nang wala silang upuan sa gobyerno.

Wala silang hinihintay na kapalit sa kabutihang ginagawa nila, hindi sila tumutulong para lang ma-ging mabango ang kanilang pangalan sa publiko, kusang-loob ‘yun at dikta ng kanilang puso na hindi na kailangang pang katukin para lang magbukas.

UBOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with