^

PSN Showbiz

Dominique magna cum laude sa second degree

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dominique magna cum laude sa second degree
Dominique

Kuha bago ang kanyang actual virtual graduation ang uploaded photo ni Dominique Cojuangco sa kanyang IG account kahapon kaya may pumunang hindi pa niya natatanggap ang diploma dahil ang tussel sa kanyang toga ay nasa right side pa.

At tama naman dahil few weeks ago pa pala ang photo na ‘yun.

Nagtapos ng Magna Cum Laude ang unica hija nina Tony Boy Cojuangco and Gretchen Barretto sa Fashion Institute of Design & Merchandising, isang fashion school sa California. “#FIDMGraduation live done Magna Cum Laude, but fell a little bit short of the Cyril Magnin award,” sabi sa post ni Dominique kahapon  na nauna nang naka-graduate ng first degree (merchandising and marketing) sa London, Istituto Marangoni. And after her graduation sa London ay nag-launch siya ng sariling fashion collection na La Dona.

Last January nang ipasilip ni Gretchen ang diploma ni Dominique sa FIDM na bumalik ng bansa last July kasama ang kanyang boyfriend.

15 pelikula libre sa youtube

Wow 15 na pelikula ang ipapalabas ng Cinema One at Star Cinema nang libre ngayong buwan sa YouTube Super Stream.

Puwedeng panoorin ang Cinemalaya film na Ligo Na U, Lapit Na Me hanggang hatinggabi ng Setyembre 28 (Lunes). Dapat ding abangan ang Bukas Na Lang Sapagkat Gabi Na. Mula Setyembre 23 hanggang 28, pwede ring panoorin ang Cinema One Originals documentary film na Forbidden Memory.

Samantala, may mga pelikula rin tampok ang mga istorya ng mga karakter na LGBTQ na showing hanggang sa Setyembre 30 (Miyerkules). Kasama rito ang mga Cinema One Originals na Baka Bukas at Mamu, A Mother Too, pati na ang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, na umani ng maraming pagkilala.

Ilan pa sa mga libreng mapapanood na pelikulang pupukaw sa damdamin at magbibigay-inspirasyon hanggang Setyembre 30 (Miyerkules) ang Happyland, ang 2018 Cinema One Originals Best Film na Paglisan at ang Tisay nina Nathalie Hart at JC De Vera.

Ipapalabas naman sa Star Cinema YouTube channel hanggang Setyembre 26 ang barkada movie na Jologs at ang Agawan Base tampok si Jolina Magdangal.

Magpapakilig din ang Star Cinema sa Once A Princess at Bromance: My Brother’s Romance kung saan magpapanggap si Zanjoe Marudo. Mapapanood din ang horror movie na Amorosa: The Revenge at Padre de Pamilya.

Panoorin ang mga pelikulang ito sa YouTube Channels ng Cinema One at Star Cinema na walang bayad. So paano pa kaya magbubukas ang mga sinehan?

Lovi at BF, sweet na sweet uli

Tila match made in heaven talaga ang Kapuso actress na si Lovi Poe at boyfriend niyang si Montgomery Blencowe. Ibinahagi ng I Can See You actress sa kanyang Instagram ang sweet na sweet na picture nila ng British movie producer na kuha mula sa kanilang first date.

Naging usap-usapan ang relasyon ng dalawa nang lumabas ang kanilang larawan mula sa isang horse racing event na ‘Royal Ascot’ sa United Kingdom taong 2019. September ng parehas na taon nang kinumpirma ni Lovi ang relasyon niya kay Montgomery.

Sa kasalukuyan ay long distance relationship muna ang dalawa. Hanga naman ang netizens sa katatagan ng kanilang relasyon, “Salute to this relationship kahit LDR. LDR isn’t that easy.”

vuukle comment

DOMINIQUE COJUANGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with