Maja sumama na sa tatay-tatayan
Maja
STAR/ File
Maja sumama na sa tatay-tatayan
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

Lipat-network na rin si Maja Salvador.

Siya na mismo ang nag-confirm ng kanyang pagsali sa bagong programa ng Brighlight Productions for TV5 na si Mr. Johnny Manahan ang over-all in charge.

Sa post niya kahapon, nagpasalamat siya sa ABS-CBN. Sasaamahan daw muna niya ang kanyang tatay na si Mr. M.

Wala siyang details na ibinigay kung saang programa siya kasama.

Identified sa kasulukuyan si Mr. M sa TV production group ni former Congressman Albee Benitez na isa sa major blocktime producer ng TV5.

“Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN. 
Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si. Mr. M kaya sana wag po kayo magulat kung makikita n’yo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma.
Sana po ay tuloy-tuloy n’yo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin. Maraming salamat po.”

Maraming iba pang major Kapamilya star ang kasama sa programang binubuo ni Mr. M sa kasalukuyan

Bukod sa pagiging director, balitang consultant din si Mr. M ng Brightlight Productions.

Maaalalang si Ms. Charo Santos ang naka-discover noon kay Maja.

MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with