Markus hindi sinagot kung preggy si Janella
Marcus
STAR/ File
Markus hindi sinagot kung preggy si Janella
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

Walang sagot si Markus Paterson kung magkakaanak na nga sila ni Janella Salvador na nababalitang diumano’y preggy sa kanilang first baby.

Maraming sinabi ang Brit-Pinoy na si Markus na hindi feel ng fans ni Janella for their idol sa YouTube interview niya with Kyle Echarri titled Real Talk with Markus Paterson.

Isa sa mga binanggit niya sa nasabing usapan nila ng kapwa Kapamilya actor na hindi niya kayang mabuhay nang wala si Janella. “And to the vague question why I’m still with her, it is because I couldn’t live without her. That’s as simple as it is,”  ang statement niya.

Sinagot din niya ang tungkol sa naging mainit na loveteam nina Janella and Joshua Garcia na marami ngang nag-akala na naging sila lalo na nga at si Maja ang parang naging matchmaker pa noon.

“As much as work goes, like dude, I love Josh. Josh is a great guy. He’s a brilliant actor. I’ve always been a fan since I can remember of him and Julia (Barretto).

“And him and Janella have this insane chemistry on screen and I understand that, I appreciate that, I love to see them on screen because hey, guess what? I’m not a two-year-old, I’m not like ‘oh my God, this is my girlfriend, oh no, no, no!’ No, dude, because they’re professionals, they’re brilliant actors and actresses, they’re working.”

Pero wala siyang sinabi kung pakakasal na ba sila ng young actress o preggy nga ito.

Kasalukuyan diumanong nasa UK si Janella and her mom na si Jenine Desiderio at kapatid nitong bunso at diumano’y manganganak na si Janella next month.

Pero teka, chika ni Nay Cristy Fermin sa Take It… Per Minute, Me Ganun! kahapon may mga friend daw siya sa UK na nakikita si Janella at in all fairness, flat daw ang tummy niya.

So ano kaya talaga ang katotohanan?

Myx musiclass magsisimula sa songwriting 101

May pagkakataon ang mga nangangarap maging musician na matuto mula sa mga paborito nilang OPM artist sa MYX Musiclass, na isang libreng series ng music coaching session na sisimulan ng first leg nito ngayong Sabado (Setyembre 26).

Uy kaabang-abang talaga ang event dahil ang magkapatid na sina Paolo at Miguel Guico ng bandang Ben&Ben ang magbibigay-inspirasyon at magbabahagi ng kaalaman nila sa Songwriting 101 sa mga gustong matuto pa sa musika.

Marami ang gustong makasali sa webinar kaya naman agad napuno ang 100 slots makalipas lang ang isang oras nang buksan ito para sa mga interesado.

Ang unang 100 na nakapag-register ay daraaan sa kakaiba pero masayang pagkatuto sa musika online gamit ang Zoom mula sa dalawa sa nasa likod ng mga taos-pusong awitin ng Ben gaya ng Maybe the Night, Pagtingin, Araw-Araw at Lifetime.

Sa susunod na dalawang buwan, nakatakda pang magdaos ng dalawang leg ng MYX Musiclass  ang nangungunang music channel sa bansa, kung saan tututukan ang Music Production 101 sa ikalawang leg at ang Vocal Performance 101 sa ikatlong leg.

MARCUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with