Fake news ni Sonza, nabiktima na rin si Kim
Kim
STAR/ File
Fake news ni Sonza, nabiktima na rin si Kim
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

Naging maingat ang ilang diyaryo pati ang online site sa pag-pick up sa pasabog ni Jay Sonza tungkol kina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Mahirap nang masampulan uli, kagaya ng ginawa ni Catriona Gray ‘di ba?

Kaya pinag-uusapan na ngayon kung sino na ang puputungan ng korona bilang King of Fake News.

Meron ding pasabog si Jay noon kay Kim Chiu na in-ambush daw ito, pero hindi na ito pinalaki dahil mas nanaig ang simpatiya kay Kim sa insidenteng nangyaring pagbaril sa kanyang kotse.

Sa social media na rin idinaan ni Julia ang sagot niya sa isyung kumalat noong Lunes. Simpleng “fake news” lang ang post niya sa kuha niyang ipinakita ang maliit niyang tiyan.

Noong araw ding iyon ay may paha­ging din si Gerald sa kanyang Instagram account na kung saan ipinost niya ang video ng test shot nila sa A Soldier’s Heart na katatapos lang sa Kapa­milya Channel. Nasa caption nito, “Sa panahon ngayon na ang bilis kumalat ng ‘FAKE NEWS’. Akala ko magiging ‘FAKE NEWS’ din ang ‘a soldier’s heart’. This video is our test shots and our taping was delayed for months after this. But we still had hope…never lose hope.”

Iyon lang naman siguro ang tamang sagot sa pasabog ni Mr. Sonza.

Sabi ni Julia, “Fake news.” Sabi ni Gerald, “Fake news” din.

Pinag-usapan na kaya nila ito?

Dating taga-asap lalabas sa All-out...

Excited ang buong taga-All-Out Sundays  sa pagbabalik nila sa studio.
Iba rin talaga ang energy kapag nakikita mo ang mga kasamahan mo sa programa at nakakasabay mong mag-perform.

Kaya tuwang-tuwa ang mga taga-AOS sa kanilang announcement noong nakaraang Linggo na starting September 27 ay nasa studio na sila at hindi na ‘yung via Zoom.

Pero sabi ni Ken Chan, iba ngayong nasa bagong normal dahil kailangan nilang i-practice ang ipinapatupad na safety protocols and guidelines kasama na ang physical distancing at naka-face shield habang nagpi-perform.

Sa Linggo ay special guest nila ang BuDaKel na sina Bugoy Drilon, Daryl Ong at Michael Pangilinan na dating napapanood sa ASAP Natin ‘To.

Kasama rin ang mga Clash Panel na sina Lani Misalucha at Ai Ai delas Alas dahil regular naman sa Sunday variety comedy show na ito si Christian Bautista.

KIM CHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with