Janella, parang sina Sharon at Kris!
Janella
STAR/ File
Janella, parang sina Sharon at Kris!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

Kung totoo ‘yung usapan sa kalagayan ni Janella Salvador talagang kahit anong bantay ng isang ina sa anak na babae ay hindi mo mapipigilan ang maaaring maganap sa buhay niya.

Talagang bantay-sarado ni Jenine Desiderio si Janella kaya nga noon ay sinasabing killjoy siya sa lovelife ng anak. Pero heto nga at sinasabi na may nangyari sa kanila ni Markus Paterson.

Ang dami ring bodyguard nina Sharon Cuneta at Kris Aquino noon, pero hindi rin ito nakapigil sa lovelife ng dalawa. Siguro nga, ‘yung moment of passion hahanap at hahanap ng paraan para magawa ng dalawang nagmamahalan, kaya no matter kung gaano kahigpit ang pagbabantay tiyak na merong mangyayari.

Mabuti na nga lamang at hindi naman tinatakasan ng mga lalaki na kanilang minahal ang mga babae na nauugnay sa kanila, at naninindigan sa nagawa nila.

Pag-ibig talaga ang pinakamalaking kalaban sa mga ganitong issue, wala ka talagang magagawa pa.

Sana nga kung totoo ‘yung kay Janella at Markus, maging maligaya sila at ibigay na ni Jenine ang kanyang blessing. Sana nga happy ending na.

Benjie, Andre at Kobe, nakapag-bonding sa Raket

Maganda ang bagong commercial ng Mang Tomas kung saan magkakasama ang mag-aamang sina Benjie, Andre at Kobe Paras. Matagal ding hindi nagkasama sa isang project ang mag-aama kaya tiyak na very happy sila na nakapag-bonding together habang ginagawa ang shoot ng Mang Tomas.

Ang sarap talaga pag family kayo na together na nagtratrabaho. Ang ganda pa namang tingnan ng tatlo dahil towering giants sila dahil sa taas nila.

Happy father si Benjie dahil parehong achiever ang mga anak niya at lumaking mababait. At sa sobrang sipag ni Benjie sa trabaho, hindi talaga kataka-taka na naging secured financially ang buhay-pamilya niya.

Good provider at isang ideal father siya, ipagmamalaki mo talaga ang kanyang pagiging dutiful padre de pamilya.

Bongga talaga kaya naman blessed na blessed both in career at family life.

Go Benjie Paras, salute for being a good father.

Colorful PPEs bonggang pangontra sa virus

Kahit pa mainit ngayon, isi­nuot namin nina Mr. Fu at Cristy Fermin ang aming PPE from Kamiseta.

Beige ang kay Cristy, purple kay Mr. Fu at dark blue sa akin, green naman sa iyo, Salve, dahil naka-red ka last week.

Ang ganda ng mga colorful PPE ng Kamiseta kaya naman healthy na, fashionable pang gamitin.

Sa Take It… Per Minute Me Ganun, ipinapakita namin na kahit gawing everyday use ang PPE, puwede na.

Naku ha, sana maging maganda kaming tatlo na endorser para maisipang bumili ng lahat sa Kamiseta ng mga fashionable PPE.

Thank you kay Cris Roque at sa secretary niya na si Gigi, dahil kahit malakas ang ulan talagang hinatid ang mga PPE para maisuot namin ngayon.

Watch kayo every Tuesday ng TIPMMG, 12 to 1 ng tanghali, sa Facebook at YouTube ng Pilipino Star NGAYON ha, please, titiisin namin ang init hah hah hah.

Sa mga hindi nakapanood ng live, meron kaming replay sa FB ng PSN at sa YT.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with