Seth, nakakatanggap ng advice kay Coco
Seth
STAR/ File
Seth, nakakatanggap ng advice kay Coco
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2020 - 12:00am

Napapanood na simula kagabi ang pinakabagong karakter sa teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ginagampanan ni Seth Fedelin ang karakter ni Macoy kaya masayang-masaya ang aktor dahil napabilang sa nangungunang serye sa bansa.

“Siyempre po masaya kasi another blessing para sa akin. Masaya dahil mayroon akong makikilalang mga bagong tao, bagong kaibigan. Nakaka-proud na nakasama ako rito sa Ang Probinsyano. Sobrang saya na nakasama ko si kuya Coco. Si kuya Coco ay hindi lang basta pupunta ka para lang mag-taping. Kahit sa likod ng ca­mera ay kakausapin ka niya. A-advice-an ka niya ng mga technique. Tutulungan ka niya, napakabuting kuya po,” nakangiting pahayag ni Seth.

Ayon sa binata ay kailangang pakaabangan ng mga mano­nood kung ano ang mga gagawin ng kanyang bagong karakter na nangangarap na maging isang alagad ng batas. “Isa pong binatang probinsyano. Si Macoy ay may ambisyon siya sa buhay niya, may pangarap siya. At ang pangarap niya ay maging pulis kagaya nina Cardo. Kaya doon po magmumula ang interes niya sa grupo ni Cardo,” pagdedetalye niya.

Bilang pinakabago sa pamilya ng FPJ’s Ang Probinsyano ay aminado si Seth na nahihiya pa ring makihalubilo sa mga kasamahan.

“Masaya po kaso may times na nahihiya ako siyempre bago pa lang. Hindi naman po maiiwasan ‘yan. Pero masaya sila kasama lalo na sa likod ng camera kapag nagba-bonding kami,” pagtatapos ng aktor.

Xyriel, namana sa ina ang malaking dibdib

Nakaranas ng pambabastos si Xyriel Manabat mula sa ilang netizens nang mag-post ng isang larawan ang aktres sa social media kamakailan.

Sa edad na labing-anim na taon ay kapansin-pansin umano ang malaking dibdib ng dalaga. Agad namang umalma si Xyriel dahil sa nangyari.

“Hindi po ako napa-flatter sa ibang comments. Kasi ‘yung iba po below the belt. Sana po alam nila at aware po ang tao na sexual harassment is never, never okay. Hindi po siya fine,” giit ni Xyriel.

Mayroong pakiusap ang aktres para sa mga madalas na nambabastos sa social media. “Sa mga nakaka-experience po lalo na po kapag minor, siyempre hindi naman po sila sanay sa ganoon. Minor man, girls, boys, ano mang age, ano mang gender or ano man ang suot, sana wala pong gano’n. Never po siyang nakakatulong. Lalo na po sa ganitong may pandemic na marami pong pinagdaraanan na mental health na problems. Huwag na pong sumabay. Respect na lang po,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Para naman sa ina ni Xyriel na si Dianne Manabat ay posibleng sa kanya namana ng anak ang pagkakaroon ng malaking dibdib.

“Wala na tayong magagawa, asset na natin ito,” natatawang pahayag ni Mommy Dianne.  (Reports from JCC)

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with