^

PSN Showbiz

Aktres nirarasyunan na lang ng biyaya ng kapatid!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Aktor na mas sumikat noon, sustentado na lang din ng utol

Hindi ba naman maituturing na masuwerte ang mga personalidad na kahit hindi nagtatrabaho ay patuloy na namumuhay nang maayos? Hindi sila gumagalaw, may nagrarasyon sa kanila ng mga biyaya, bukod nga naman silang pinagpala.

Ang kilalang female personality na matagal nang press relase nang press release sa pagbabalik-TV at pelikula niya, hanggang ngayon ay puro plano lang naman, paano nga ba siya nakararaos sa araw-araw samantalang wala naman siyang work?

Kuwento ng source na nakakaalam kung paano, “Ano naman ang ginagawa ng kanyang financier? Bakit pa nga naman siya magtatrabaho, e, hindi naman siya matitiis ng matulungin niyang ate?

“Sinasagot ng girl ang lahat-lahat ng gastusin niya. Kapag nangangailangan siya ng check-up, ang sister niya ang nagbibigay ng panggastos niya, pati ang mga kailangan nilang mag-iina everyday, si ate rin ang sumasagot!

“So, bakit pa nga naman siya magbabanat ng buto, bakit pa siya magpupuyat at magpapagod? E, kahit matulog lang siya sa maghapon, e, meron naman siyang maaasahan?

“Napakasarap naman ng buhay niya, di ba? Wala siyang kahirap-hirap, para siyang pensiyonada, may naaasahan siya kahit pa humilata lang siya sa araw-araw!” nakataas ang kilay na kuwento ng impormante.

Kaya naman kapag kailangan siya ng kanyang ate ay wala siyang pamimilian. Magkakampi sila sa lahat ng laban. Kapag tumanggi kasi siya ay siguradong hinto na ang kanyang sustento.

Wala siyang ipinagkaiba sa isang male personality na naging masuwerte rin nu’n sa kanyang karera. Naligaw ng landas ang aktor, nagbisyo, kaya nagkasakit at nawalan ng trabaho.

“Ang utol din niya ang nagsusustento sa kanya ngayon. Kung tutuusin, e, mas sumikat pa nga siya kesa sa kapatid niya, ibang-iba lang ang disiplina nu’ng isa!

“Masinop siya sa buhay, napakasipag at professional, kaya nagbunga rin ‘yun ng maganda. Nagkaroon pa ng hindi inaasahang yaman ang utol niya, kaya ayun, ang kapatid niya ang sumasagot sa mga pangangailangan niya.

“Masuwerte ang female personality na ‘yun at ang aktor na ito na hindi nag-ingat sa career niya! Meron silang mga kapatid na anghel na nagrarasyon sa kanila ng mga biyaya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie, dinagdagan pa ng isang milyon ang ayuda sa mga driver

Ang limang milyong pisong ayuda niya para sa mga jeepney drivers ay dinagdagan pa nang isang milyon ni Willie Revillame.

Nakarating kasi sa kanya ang impormas­yon na hindi nabigyang lahat ang mga miyembro ng iba-ibang asosasyon ng mga jeepney drivers.

Bukod sa pinansiyal na ayuda ay namigay rin ng bigas si Willie, may pa-jacket pa ang grupo, kung umuwing maligaya ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho ay mas maligaya ang aktor-TV host.

“Sa  Nueva Ecija pa nangga­ling ang dalawang libong sakong bigas (25 kilos ang bawat sako) na ipinamigay namin. Magkaka­tulong kami ng mga kaibigan ko, kani-kanyang trabaho kami, para mapasaya ang mga jeepney drivers,” sabi ni Willie.

Sa kanyang programang Tutok To Win ay patuloy pa rin ang pamamahagi niya ng cash prizes, sa panahon ng pandemya ay hulog ng langit na itinuturing ng mga kababayan natin ang kanilang Kuya Wil, hindi nga naman madaling makahanap ng ganu’ng biyaya.

“Maraming nagbago sa dating nakasa­nayan natin. Saka na ang mga personal na luho, kapag may sobra-sobra tayong biyaya, napakara­ming nakapila sa likod natin na nangangailangan ng tulong.

“Nakakakunsensiyang sundin ang luho natin sa mga panahong ito. Bigas nga lang na isasaing, e, hinahanap pa ng mga kababayan natin. Nakakalungkot lang, malapit na ang Pasko,” dagdag na komento ng aktor-TV host.

Panalo ang kanyang segment na Spin A Wil. May ­dining, sala at kitchen showcase na ipinamamahagi ang Tutok To Win, meron pang cash na umaabot sa daang libo ang halaga, sigawan nang sigawan ang mga masu­werteng nananalo sa Spin A Wil.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Sa dami ng mga pinagdaanan ni Willie, e, patuloy pa rin siyang itinatayo ng panahon. Maganda kasi ang puso niya, hindi siya maramot, ramdam niya ang kahirapan ng mga kababayan natin.”

At komento naman ni SOS na sumasaludo sa aktor-TV host, “Hindi siya mawawala, hindi kasi niya dinidiyos ang pera. Inaalipin niya. Ipinangtutulong niya sa mga walang-wala.”

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with