^

PSN Showbiz

Maja Salvador 'babayu' na sa ABS-CBN, lipat-bahay sa TV5

Philstar.com
Maja Salvador 'babayu' na sa ABS-CBN, lipat-bahay sa TV5
Litrato ni soon-to-be Kapatid actress Maja Salvador
Mula sa Instagram account ni Maja Salvador

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng aktres na si Maja Salvador ang kanyang paglisan sa Kapamilya Network, Martes, isang himpilan na nagsilbing tahanan para sa kanya nang kulang-kulang dalawang dekada simula pa noong 2003.

'Yan ang kanyang anunsyo sa isang paskil sa Instagram ngayong hapon, kasabay ng kanyang pagpapasalamat sa naging karera sa ABS-CBN.

Bagama't hindi diretsahang binanggit ang pagtalon sa TV5, mahihinuha na sa Kapatid Network ang kanyang lilipatan matapos sabihin na sasamahan niya si Johnny Manahan — na kilala rin sa palayaw na "Mr. M."

"Mga [K]apamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si Mr.M kaya sana wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network," ani Maja.

"[Ito'y para] patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma."

Ilan sa programang hahawakan ni Mr. M. sa TV5 ay ang "Sunday Noontime Variety Show" at "Laugh Out Loud." Kasama rin sa nahuling palabas ang ex-Kapamilya stars na sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas at Wacky Kiray.

Matatandaang nag-alsa balutan patungong Kapatid Network ang maraming ABS-CBN talents matapos hindi i-renew ng Kamara ang kanilang legislative franchise, bagay na nag-expire ngayong 2020.

Basahin: Kapamilya stars dominate TV5's new entertainment lineup

May kinalaman: Kamara ibinasura ang ABS-CBN franchise renewal

"Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN," sambit pa ni Maja.

"Sana po ay tuloy tuloy niyo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin."

Kumpirmado na ring lilipat sa Singko sina Piolo Pascual, Korina Sanchez, Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ariel Urieta, Gloria Diaz at maraming iba pa.

Ika-11 ng Setyembre din nang pumirma ng kontrata ang long-time ABS-CBN news anchor na si Ted Failon sa Radyo5 kasama ang "Failon Ngayon" co-host na si DJ Chacha. — James Relativo

vuukle comment

ABS-CBN

JOHNNY MANAHAN

MAJA SALVADOR

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with