Erich babalik sa ligaya JC, hindi makakalagare
Handa na rin sa lock-in taping si Erich Gonzales and JC de Vera para sa teleserye nilang Magdalena.
Yup, si JC ang leading man.
Nag-swab test na raw sila at kasalukuyang naka-14 days self quarantine.
Kaya hindi raw totoo na kasama si JC sa cast ng gag show ni Direk Edgar Mortiz na Banana Sundae ang peg sa mapapanood sa TV5. Sunday Kada ang title ng sinasabing gag show for Brightlight Productions ni former Congressman Albee Benitez.
Confirmed na starring dito si Ritz Azul na dati naman talagang taga-TV5 at kasama sa Banana Sundae. Aside from Ritz, kasama sa Sunday Kada ang iba pang Star Magic talents ayon sa source.
Pero ‘yun nga, wala ang main stars na sina Angelica Panganiban and JC.
Si Angelica ay nakatapos ng teleserye na mapapanood na sa Kapamilya Channel, ang Walang Hanggang Paalam with Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, and Arci Muñoz.
Kaya hindi nakasali sina Angelica and JC.
Nagugulat nga ang isang ka-chika ko kung bakit sinasabing kasama si JC sa Sunday Kada. Hindi raw puwedeng mangyari ‘yun dahil hindi naman possible ang ‘lagare’ sa new normal.
Anyway, si Erich ay matagal din walang teleserye matapos magka-isyu sa Love Thy Woman noon.
Nakapag-taping na siya noon pero maaalalang nagka-problema dahil diumano’y nagpa-diva ang Kapamilya actress kaya wala raw nalungkot nang mag-resign ito sa Love Thy Woman na pagbibidahan sana nila nina Kim Chiu and Xian Lim.
Kamakailan lang nagkaroon ng finale ang LTW.
- Latest