Isah, isang taon na
Isah
STAR/ File
Isah, isang taon na
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

First death anniversary na agad ng broadsheet entertainment editor na si Isah Red ngayong araw.

Ganun kabilis ang panahon. Parang kailan lang nang nakita siyang walang buhay ng kasama niya sa bahay.
Walang may idea sa showbiz friends niya na may sakit siya.

Kilalang hypochondriac si Isah.

‘Yung tipo ng tao na parang laging may serious health problem kahit hindi pa nagpapa-check up.

Kaya most of the time, kaun­ting sakit lang ang nararamdaman niya, nagpapadoktor na agad siya.

Kaya talagang shocking sa mga kaibigan at kasama sa trabaho ang nangyari sa kanya.

Time runs so quickly lalo na ngayong panahon ng pandemic.

Parang March lang nag-umpisa ang ‘quarantine season’ sa bansa natin dala ng coronavirus pandemic pero anong petsa na ngayon, Ber month na.

Nami-miss ka namin, Isah.

Magkakaroon ng virtual mass today, 6:00 p.m. na mapapanood ng live sa Facebook page ng The Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) to celebrate and honor Isah’s life para sa kanyang first death anniversary.
Salamat Unilab (Claire Papa) for hosting the mass / program for Isah.

Chicken wings ni Angeline mabenta na, nanghihingi pa ng dasal para sa kanyang mama

Tuloy ang pagdarasal ni Angeline Quinto para sa kanyang Mama Bob na nagkaroon ng heart attack.

Alam ng lahat ang sobrang pagmamahal ng singer sa kanyang Mama Bob.

“Miss na miss ko na ang laging ka-date ko.
Ang pinaka mahal ko. I love you, Ma
Magpagaling at magpalakas ka please.
Mama Bob miss na kita SOBRAAA.”

Nauna na siyang nag-post ng “Ang Buhay at Mundo Ko. Wag ka panghinaan ng loob, hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Hindi ka mag isa lumalaban ngayon. Nandito ako.
Nandito kami.
Kayang-kaya mo yan Ma.
Mahal na mahal kita higit sa lahat.”

Nang huli pa nga namin siyang makausap virtually, nag-e-enjoy si Angeline na nasa bahay lang dahil kasama  niya ang kanyang Mama Bob na matagal daw niyang ‘di nagawa dahil lagi siyang busy.

Anyway, abala rin ngayon si Angeline sa kanyang chicken wings business na Angeline Quinto Wings of Love na kasama siya sa mismong mga nagluluto kung saan meron silang ino-offer na six flavors.

At in all fairness, malakas ang chicken wings niya. Ang dami kong nakikitang nag-o-order sa kanyang social media account.

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with