Joshua, natuto na ring mag-edit!
Joshua
STAR/ File
Joshua, natuto na ring mag-edit!
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Noong isang buwan ay nagsimula na si Joshua Garcia sa paggawa ng video blogs. Naisipan umano ng aktor na gumawa na rin ng sariling Youtube channel dahil sa ilang buwan nang pananatili lamang sa bahay. “Pini-film ko ang lahat ng nangyayari sa akin araw-araw. Plano ko pumasok sa YouTube, sa vlogging. No’ng quarantine ang dami kong pinapanood na YouTube videos, mga vloggers. Nakikita ko, sabi ko, ‘Bakit di ko i-try ito?’ Pini-film ko ang ginagawa ko every day, kino-compile ‘yung masasayang part,”  bungad ni Joshua.

Bukod sa pagsu-shoot ay unti-unti nang natutunan ng binata ang pag-e-edit ng sariling videos. Sa ngayon ay plano na ring kumuha ni Joshua ng isang video editor para sa kanyang vlogs.  “Sa nangyayari sa akin ngayon, inaaral ko pa mag-edit. Naghahanap pa ako saan makakahanap ng music na walang bayad, medyo pinag-aaralan ko pa. May plano ako na kumuha ng isang editor. My plan kasi is to upload two videos sa isang linggo. Parang gusto kong tahakin entertainment na comedy,” paglalahad niya.

Sobrang nai-enjoy ni Joshua ang paggawa ng video blogs sa ngayon. Nakaramdam ng panghihinayang ang aktor kung bakit hindi pa niya ito nasimulang gawin noon. “Ang dami kong na-realize. Sabi ko, ‘Bakit di ko ito ginawa no’ng umpisa pa lang?’ Sobrang dami nangyayaring maganda sa buhay ko, lahat ng nangyari sa akin sa buong six years ko sa showbiz. Ang saya ng experience, kung na-upload ko sa YouTube eh di may nabalikan ako na video,” pagtatapos ng aktor.

Kyle, nawala ang hiya dahil kay Sarah

Naging mentor ni Kyle Echarri noon sa The Voice Kids season 2 si Sarah Geronimo. Ayon sa singer-actor ay maraming mga bagay ang kanyang natutunan mula sa Popstar Royalty ang nagagamit niya ngayon sa show business. “I think the one thing that she helped me with the most was my confidence because I was super shy. Ate Sarah really helped with that and how I present myself on stage and how I feel the stage all the time. One thing that I kept with me that she always told me was to keep my feet on the ground and that’s the number one thing. She always made sure that her artists are humble at all time no matter how far we’ve got. She always treated each one of her artists the same. And she always made sure that we always keep our feet on the ground,” pagbabahagi ni Kyle.

Bukod sa pagkanta at pag-arte ay nakapagsusulat na rin ng sariling awitin si Kyle ngayon. Isang bagong album ang nakatakdang ilunsad ng binatilyo sa mga susunod na linggo kung saan kabilang ang kantang I’m Serious na kanyang nilikha. “This album, I just really wanted the fans to get a piece of my heart, a piece of me. So they know who the real Kyle is, what kind of music I really sing,” pahayag ng singer-actor. (Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with