^

PSN Showbiz

Male personality, kinukuyog ng mga pinagkakautangan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kailangang kumayod nang husto ng isang kilalang male personality para makatugon siya sa kabi-kabilang obligasyon na kailangan niyang panagutan.

Bukod sa kanyang sariling pamilya ay mara­ming kaibigan-kasamahan ng male personality na naniningil na sa kanya, hindi na tinatanggap ng mga ito ang puro pangako lalo na ngayong panahon ng pandemya na lahat ay hirap sa buhay.

Kuwento ng isang source, “Wala siyang peace of mind. Katatawag pa lang ng isang naniningil sa kanya, e, may kasunod na naman ‘yun. Tawagan nang tawagan sa kanya ang mga taong inabala niya nu’n!

“May ipinangako siyang pambayad, maghintay lang daw ang mga inutangan niya, hanggang sa mabenta ang property na naipundar niya.

“Pero ang tagal-tagal na ng pangako niya, ilang taon na, mukhang wala naman daw kasi siyang inaasahang pambayad talaga?” madiing sultada ng impormante.

Pumasok sa isang pagpapabongga ang male personality. Dahil wala naman siyang naiipon, dapat sana’y isang simpleng selebrasyon na lang ang ginawa niya, pero napasubo ang male personality.

“Du’n talaga nagkapatung-patong ang pinagkakautangan niya. Nagpabongga kasi siya, samantalang puwede namang mairaos ang celebration na ‘yun sa isang napakasimpleng paraan lang.

“E, ano kung bonggang okas­yon ang gusto ng karelasyon niya? E, ano naman kung hindi niya kaya ang gusto ng girl, di sinabi na lang sana niya ‘yun nu’ng nagpaplano pa lang silang magpakasal na?

“Isang araw lang naman ‘yun, makakaraos din sila, kaso, hindi siya nagpakatotoo, e! Pilit niyang sinunod ang gusto ng girl!

“Isang araw na kabonggahan na magpapahirap naman pala sa kanya pagkatapos. Nakakaawa tuloy siya ngayon. Natapat pa sa pandemya ang mga paniningil sa kanya, kaya paano na?

“Ang balita nga, e, nakapag-advance na ang male personality sa isang producer, kailangan niyang gawin ‘yun dahil walang-wala na nga siya!

“Naiintindihan naman siya ng mga pinagkakautangan niya. Kaya nga tumagal nang ilang taon ‘yun, e! Pero nasaan na ang property na ibebenta raw niya? Sana, maintindihan din niya na nangangailangan din ang mga taong binulabog niya!

“Ang utang, e, binabayaran. Iba ang utang sa hingi lang. Di ba naman?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

‘It’s just a number’ - Vic

Baligtaran ang sitwasyon ng relasyon ng mga panauhin ni Luchi Cruz-Valdes sa Usapang Real Life nu’ng Sabado nang gabi.

Malaki ang agwat ng edad ni Bossing Vic Sotto sa kanyang misis na si Pauleen Luna. Mas may edad naman si Dra. Vicki Belo kesa sa kanyang mister na si Hayden Kho.

Pero sa kanilang mga pahayag ay hindi problema ang age gap. “It’s just a number,” sabi ni Vic Sotto. Hindi ‘yun nararamdaman ni Pauleen dahil ang namamagitan sa kanila ng sikat na komed­yante-TV host ay hindi lang pagmamahalan kundi pagrerespetuhan.

Ang tunay na pagmamahal daw ay hindi nagtatago ng libro ng mga mali. Ang pagkakaroon ng mga anak ni Vic, kailanman, ay hindi naging problema para kay Pauleen.

Ang mahalaga para sa kanilang mag-asawa ay ang ngayon at ang bukas. Kitang-kita kina Bossing Vic at Pauleen ang kaayusan ng kanilang relasyon.

Hayden tanggap na ang masakit na pinagdaanan para kay Dra. Belo

May katulisan ang mga tanong ni LCV kay Hayden Kho, pero sa halip na umiwas ay ang mister pa ni Dra. Vicki Belo ang nagdadagdag ng paglalarawan kung gaano kanegatibo ang tingin sa kanya nu’n ng publiko, tanggap nito ang kanyang masakit na pinagdaanan.

Sa bintang na kayamanan lang ng doktora ang habol ni Hayden ay nakakaa­liw ang tanong ng sikat na si Dra. Vicki. “Parang unfair. Ang lalaki, puwedeng makipagrelasyon sa much younger, pero kapag babae, puro pera, pera, pera ang sinasabi about the guy!”

Nagsimula sa napakadilim na yugto ang relasyon nina Dra. Vicki at Hayden, nakarating pa sa Senado ang usapin, pero sila mismo ang nagpatunay na may pangalawang glorya para sa mga taong nagmamahalan.

Nakakaaliw ang dalawang panayam. Wala kang itatapon, lalo na kay ­Bossing Vic, na paminsan-minsan lang humaharap sa mga ganu’ng interbyu.

Pero ang pinakadulo ng programa ang nakakatawa. Hindi lang pala ang mga edad ng kanyang ininterbyu ang baligtaran.

Pati ang suot na blouse ng may-ari ng programa ay baligtad din. Nagtapos sa nakakahawang halakhakan ang Usapang Real Life.

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with