Catriona tinulayan ng demanda ang nagkalat ng pekeng nude photos
Catriona
STAR
Catriona tinulayan ng demanda ang nagkalat ng pekeng nude photos
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

Kasong one count of Libel at one count of Cyber Libel ang isinampa ni Catriona Gray sa kaibigan naming tabloid editor na si Janice Navida.

Kasong one count of Libel din ang isinampa niya sa kapatid din namin sa panulat na si Melba Llanera.

Isinampa ng dating Miss Universe ang naturang kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office nung nakaraang Biyernes ng umaga, September 18.

Kaugnay ito sa lumabas na balitang kumalat na diumano hubad na litrato ng Miss Universe 2018.

Nakasaad sa affidavit ni Catriona na fake ang litratong inilathala ng diyaryong Bulgar na kung saan nakahubad doon ang isang babaeng kamukha ni Catriona.

Itinanggi ito ni Catriona dahil naka-attach doon sa affidavit ang litrato ng isang Russian model na kamukha ng beauty queen.

Ang isang litrato namang nasa bath tub ay kuha raw sa Valentine’s Day ad ng Bench na nakikita sa kanilang You Tube channel.

Lumabas na malisyoso ang pagkalathala sa dalawang litratong iyun. Bago pa ito na-publish sa naturang diyaryo, ipinost pa sa Facebook account nila na abangan itong item tungkol nga raw sa kumakalat na nude photos ni Catriona.

Bahagi ng pahayag ni Catriona na nakasaad sa kanyang affidavit; “For the record, I categorically state that I am not this woman explicitly shown in the photo to be topless.

“I was completely shocked and outraged upon learning of the foregoing Bulgar’s online Facebook post, which was subsequently published in their tabloid with nationwide circulation.

“Apart from being absolutely false, it contained a statement which was sufficient to leave in the minds of the readers that I am a woman of ill-repute engaged in a scandalous act.”

Sa demand letter na ipinadala sa nasabing pahayagan ay humihingi si Catriona ng public apology at sampung mil­yong pisong danyos. Pero walang inilabas na apology ang naturang diyaryo. Pati ang nagsulat ay wala ring inilabas na statement o apology.

Sa halip, ang editor nitong si Janice ang naglabas ng rep­ly letter para kay Catriona, pero hindi ito tinanggap ng Miss Universe 2018. Sa tingin nila ay sarkastiko pa sa kanila ang nakapaloob sa reply na iyun.

May ilang puntos silang inilahad doon sa affidavit, dag­dag pa roon ang komento ng mga netizen na nailagay si Catriona sa katawa-tawang sitwasyon sa mata ng publiko.

“To add greater insult to the injury, respondent Navida even tried to defend her actions by frivolously implying that  they did their part to protect me, that in releasing the subject photo, they had my best interest and blurred the private part.

“It was even being requested that I be the one to understand them since their only intention in publishing the subject photo was ‘to help me clear my name,’” dagdag pang pahayag sa affidavit ni Catriona.

Ipinaliwanag din doon na bilang isang manunulat, sana ay nagkaroon daw muna ng masusing imbestigasyon kung totoo o hindi ang lumabas na litrato bago ito isinulat.

Sinubukan kong hingan ng pahayag si Janice, pero wala pa siyang maibigay dahil sa ikinukunsulta raw muna nila ito sa kanilang mga abogado.

Sa aming pagkakaalam, hindi lang sina Janice at Melba ang kakasuhan ni Catriona. Wala pang sinasabi sa amin ang legal counse niyang si Atty. Joji Alonzo kung sino pa ang ibang sasampahan ng kaso.

Kuwarto ni Sen. Bong ginawa munang studio

Ang pagkakalat ng ‘fake news’ ang isa sa gustong isusog ni Sen. Bong Revilla sa Senado bilang siya ang Chairman sa Committee on Public Information and Mass Media.

Kailangan lang ng masusing imbestigasyon bago ito ilatag sa Senado, pero gusto raw ni Sen. Bong na masugpo na ito, bilang isa nga siya sa nabiktima nitong ‘fake news’.

Naranasan ni Sen. Bong kung paano biktimahin ng mga nagkakalat ng fake news at hindi lang siya ang apektado kundi pati ang mga taong nagmamahal sa kanya.

“Nakakalungkot. Eto na ba ang mundo natin? Eto na ba ang hinaharap natin ngayon? Eto na ba ang hinaharap na kinabukasan ng ating mga anak, ng ating mga apo? Sana mabago ito,” pahayag ni Sen. Bong nang nakatsikahan namin sa kanyang pa-virtual birthday celebration sa ilang movie press.

Wala pa muna siyang masasabi tungkol sa planong demanda. Mas gusto muna niyang masaya ang pag-uusapan lalo na’t marami pa ang gustong magbigay sa kanya ng tablets para sa mga batang mag-aaral.

Bukod kay Mother Lily Monteverde, nag-pledge rin ang dating Pangulong Joseph Estrada ng 100 tablets para ipamigay sa mga batang mag-aaral.

Ngayong araw, alas-sais ng gabi ay malalaman na kung sino ang mga mapalad na magwawagi ng tablet para gamitin sa online schooling ng mga bata.

Nasa Facebook live niya kahapon ay ipinakita niya ang kanyang kuwarto na ginawa munang studio na kung saan nandun ang mga gamit para sa kanilang randomizer na pipili ng winners.

May malaking screen sila na kung saan doon naman makikita ang mga sumali sa kanyang pa-Budots dance na sasalihan din ng mga bata. Ang mga mananalo ay makakatanggap ng cellphone.

Umabot ng 1500 tablets ang ipamimigay pero baka madagdagan pa ito. Kaya abangan na lang ito ngayong 6 ng gabi sa Facebook account, Instagram at You Tube channel ni Sen. Bong Revilla.

Sa September 25 ang kanyang kaarawan at kasama lang daw ang pamilya na magdiwang na gagawin nila sa sementeryo para makasama raw nila roon ang kanilang Mommy at Daddy.

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with