Elijah, umaming nahirapan sa gameboys
Elijah
STAR/ File
Elijah, umaming nahirapan sa gameboys
Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

Kamakailan ay nasungkit ni Elijah Canlas ang Best Actor award sa 17th Asian Film Festival para sa pelikulang Kalel, 15.

Lalong sumikat ang aktor dahil sa angking galing nito sa pag-arte sa kontrobersyal na BL (boys love) series na Gameboys na pinagbidahan nila ni Kokoy de Santos. Ayon kay Elijah ay talagang hilig na niyang mag-artista noong bata pa lamang siya. “No’ng five years old po ako, ‘yung mom ko po kasi ay artist din po. Dancer and actress din po siya sa Bacolod dati, so gusto niya pong mag-theater po kaming magkakapatid actually. So bata pa lang po kami nag-i-school theater na po kami. Tapos when I was 12 nakapasa po ako sa Philippine High School for Arts and I studied Theater Arts there for four years no’ng high school ako,” pagbabahagi ni Elijah.

Nakailang pelikula na rin ang aktor simula nang madiskubre noong 2014. Kahit marami nang mga nagawang proyekto ay sa naturang Pinoy BL series daw talagang nahirapan si Elijah. “Bilang aktor nahirapan po ako actually kasi ang hirap ng karakter ko na ito. Ito ‘yung pinakamahirap na karakter na ginawa ko sa buong buhay ko, sa maikling buhay ko. Pero enjoy po ako sa challenge na ‘yon. It’s 2020 and dapat wala na pong stigma when it comes to LGBTQI community. Dapat po talaga nano-normalize na siya at this point in time,” makahulugang pahayag niya.

Sobrang proud ni Elijah dahil naging maganda ang pagtanggap ng netizens sa Gameboys kaya posibleng magkaroon pa ito ng season 2 bago gawing pelikula. “Gameboys is honestly one of the projects that I’m most proud of, ever. I was blessed enough to be part of really good films,” pagtatapos ng aktor.

Lyca, naging tulay kina Elha at Brian

Si Lyca Gairanod ang naging tulay kaya naging magkasintahan sina Elha Nympha at Brian Gazmen. Noong isang buwan ay nag-post si Brian sa Instagram ng larawan ni Elha at nakumpirmang magkarelasyon na ang dalawa. “Noong una po talaga nagulat ako kasi parehas ko po silang best friends. So ako po ‘yung nagpakilala kay Elha kay Brian sa Magandang Buhay po ‘yon. So hanggang naging magkaibigan sila. So bilang kaibigan, support na rin po ako. Supportive (sa relasyon nila),” nakangiting kwento ni Lyca.

Maglalabing-anim na taong gulang na sa Nob­yembre ang singer at mayroon na rin daw mga nanliligaw sa dalagita. Sa murang edad ni Lyca ay ang pamilya muna ang kanyang prayoridad kaya hindi pa siniseryoso ang buhay pag-ibig. “Meron po, parang ‘di pa po pwede sa ngayon. Sinasabi ko lang po na pass muna. Hindi muna pwede kasi matatalakan tayo ni mama,” natatawang pahayag ng singer.  (Reports from JCC)

THE VOICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with