Gretchen pinagdiinang mas maganda si Bea kesa kay Julia
ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

Umarangkada na naman si Gretchen Barretto. Mayroong post sa social media na nagtatanong kung sino ang mas ok, si Bea Alonzo o si Julia Barretto, na kakatuwa namang halos pareho ang pose sa pinagtabing pictures nila.

Pangalawa sa mga nag-comment si Gretchen ay uma­yon siya sa naunang comment sa pagsasabing “me too. Bea, my Bea” na sinundan pa niya ng mga heart emoji.

Kung sabagay, kung titingnan mo naman ang dala­wang pictures, maski kami man magsasabing mas maganda talaga si Bea.

Pero ang pagpabor ni Gretchen kay Bea kaysa sa kanyang pamangkin ang naging dahilan ng kanilang awayan, na nauwi pa sa iskandalong sabunutan doon mismo sa burol ng kanilang ama.

Mark naka-lalaki sa second baby

Pero alam naman ninyo si Gretchen, talagang sasabihin niya kung ano nasa loob niya.

Mangiyak-ngiyak pa si Mark Herras sa katuwaan sa kanyang inilabas na video sa social media, matapos nilang i-announce ng girlfriend na si Nicole Donesa na ang magiging anak nila ay isang lalaki.

Natural naman iyon dahil para sa isang tatay, iba iyong alam mong lalaki ang magiging anak mo dahil iyon ang magpapatuloy ng iyong pangalan.

Ang unang naging anak ni Mark sa isang nauna niyang girlfriend na anim na taon na ngayon ay isang babae.

Kung sabihin nga nila, girl man o boy, pareho lang naman iyan. Ang isang anak ay kaloob ng Diyos, at ano man ang ibigay niya ay malaking biyaya na nga para sa atin.

Kahit na nga under quarantine, nagkaroon ng isang simpleng baby shower sina Mark at Nicole para sa kanilang darating na baby. Close family members lang ang present, gumawa sila ng isang game kung saan bubunutin nila ang answer kung girl o boy nga ang magiging baby ng dalawa, at sinasabing ang makakabunot ay may premyo.

Hindi naman nakita sa video kung sino nga ang nakabunot at kung ano ang premyo.

Pero ang hinihintay ng mga tao ay kung may balak nga bang pakasal sina Mark at Nicole. Kung iisipin iyon naman ang tama lalo’t magkaka-anak na nga sila.

Para namang nawawalan ang bata kung ang mga magulang niya ay hindi legal na mag-asawa.

Pero nasa pagkakaintindihan nila iyan eh, basta ang mahalaga hindi napapabayaan ang bata.

In fairness naman kay Mark, wala sa kanya ang nauna niyang anak, pero wala naman tayong naririnig na pinapabayaan niya ito.

Designer nakaipon ng mga sinuot ng nakasiping

Weird ang collection ng isang kilalang fashion designer. Mayroon siyang mga plastic collection cases, kung saan inilalagay niya ang kanyang mga “souvenirs”, iyong “intimate wears” ng mga lalaking naka-date na niya. May picture pa, at nakalagay doon kung kailan ibinigay sa kanya ang “souvenir” na itinatago niya.

Kung sabagay, ano nga ba ang ebidensiya niya na iyon ay galing nga sa mga lalaking iyon at sila ay naka-date nga niya.

Pero sabi naman niya, wala siyang pakialam sa iba dahil hindi naman “for display” ang kanyang collection kundi para sa kanya lang, meaning wala siyang pakialam kung maniniwala man ang iba o hindi, basta siya alam niya ang totoo.

Karamihan doon ay mga model at social media influencers. May ibang artista rin naman.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with