^

PSN Showbiz

Yeng, pinalit ni Pinky kay Erik!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Ay, Ateng Salve, matutuloy na ang new online show ng businessowaman/philanthropist na si Chemist Pinky Tobiano under Cornerstone Facebook official page at CSTV Kumu account.

Sa Tuesday, 7:00pm na ang Grateful Tuesdays online show ni Pinky.

Pero hindi na matutuloy bilang co-host niya si Erik Santos.

Si Yeng Constantino na ang ipinalit ni Pinky kay Erik.

Pero huwag ka­yong mag-isip na may problema sa pagitan nilang dalawa. BFF nga sina Pinky at Erik, pero busy rin kasi si Erik sa ASAP Natin ‘To, kaya hindi siya makakapag-co-host kay Pinky.

Sa Tuesday nga pala, may feeding program sina Pinky at Yeng sa mga elderly sa isang community sa Quezon City at ipapakita ‘yon sa online show nila.

Ang makatulong sa kapwa ang main reason kung bakit may Grateful Tuesdays online show sina Pinky at Yeng.

Hindi lang silang dalawa ang nakatakdang tumulong sa mga kababayan nating kapuspalad. Maging ang mga kaibigan ni Pinky in and out of showbiz ay tutulong din.

Naikuwento nga sa akin ni Pinky na natuwa siya kay Sarah Lahbati. Isa raw si Sarah sa mga tinext niya at kinuwentuhan tungkol sa Grateful Tuesdays “Jun, I told Sarah Lahbati about Grateful Tuesdays, without even asking, she gave soaps para maipamigay namin sa feeding program on Tuesday.

“She has a great, great heart. Sulat mo, Jun, ‘yan. Ang bait-bait niya!” sabi ni Pinky.

Nabanggit ko kay Sarah ang sinabing ‘yon ni Pinky at sobra siyang na-touch. Ac­tually, ni hindi nga naikuwento sa akin ni Sarah ang mga sabon na ipinadala niya kay Pinky, kaya nagulat siya na sobrang thankful ang businesswo­man/philanthropist sa ginawa niyang ‘yon.

So nice!

Snooky na-enjoy na ang lock-in

Ang pa-Facebook live ni Snooky Serna kahapon sa location taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Sa Cavite ang location taping ng primetime series ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Barbie Fortaleza at Kate Valdez with Dina Bonnevie.

Noong una ay marami ang nag-akalang hindi papayag si Snooky na mag-lock-in taping dahil sa COVID-19 pandemic, pero napapayag pa rin siya. At ngayon nga, mukhang enjoy naman siya.

Matindi raw na pinatutupad ang health and safety protocols sa nasabing taping.

Si Snooky kaya ang pamamarisan ng ibang mga artistang natatakot na mag-lock-in taping dahil sa pangambang baka mag-positive sila sa COVID-19?

Well, puwede! ‘Yun na!

vuukle comment

PINKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with