Sen. Bong, magdedemanda!
Bong Revilla
Sen. Bong, magdedemanda!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

Tiyak si Sen. Bong Revilla na may gagawin siyang move sa mga walang tigil sa pamba-bash at consistent sa pagkakalat na namatay na siya.

Nakipag-usap na siya sa NBI. Nag-umpisa na rin daw ang paghahanap sa background ng mga ito ayon kay Sen. Bong nang magkaroon ng ­catching up conference with the entertainment press kahapon via Zoom. “Kailangan itong ma-stop. At titigil ito dapat,” banggit ni Sen. Bong.

Pero ayaw muna niyang magbigay ng buong detalye kung idedemanda ba niya ang mga ito at kung kailan. “Ayoko munang pag-usapan ito. Doon muna tayo sa masaya. Sanay na akong bugbugin nila eh. Basta ang importante masaya tayong lahat at importante buhay ako na akala nila patay na ako o pinatay na nila ako. Kasi kung iisipin kong sasampahan ko sila ng kaso, lalong magwawala ‘yang mga ‘yan. Pero sabi nga eh, kapag sobra-sobra na, parang pag puno na ang salop, sabi ngang ganyan.”

Aminado naman siyang pinatawad na niya ang mga ito, pero paulit-ulit na raw kasi at sobra na. “Parang napaka-plastic ko na kung paulit-ulit na lang tapos sobra na talaga, Kaya puwede nang idaan sa legal. Pero hangga’t mapapatawad ko at matitiis ko. Kapag hindi na...,” dagdag pa niya.

“Kaya sa mga fake news na ‘yan, we will do something about it. It is under my committee. Darating po tayo diyan, iimbestigahan ko po ‘yan.”

Samantala, itinanggi ng senador/actor na may VIP treatment siya nang magka-COVID sa isang high end hospital.

Paano raw mangyayari ‘yun ay dalawang araw siyang naghintay bago siya nagkaroon ng private room.

Kumalat nang itakbo siya sa hospital matapos makitang merong tubig sa kanyang lungs nang mag-positive siya sa coronavirus na iba ang ­naging treatment sa kanya sa nasabing hospital.

Ngayon ay magaling na magaling na raw siya at handa na siya sa lock-in taping if ever na i-advice silang magre-resume na ang taping ng Agimat ng Agila sa GMA 7.

Pero iba raw talaga ang epekto ng COVID dahil maraming kailangang gawin para mas lalong ­maging maingat sa katawan at hindi mahawa nito.

Pero thankful siya na siya at hindi ang ibang kapamilya niya ang tinamaan nito.

Nagpahayag na rin ang actor/senador sa nasabing Zoom conference na hindi na siya nag-aambisyong kumandidato sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections.

Ngayon ay busy siya sa pamimigay ng computer tablets na birthday blowout niya sa kanyang followers.

Sa September 25 ang birthday ni Sen. Bong at sa September 20 mag-start ang distribution ng 1,500 computer tablets sa kanyang lucky followers.

Marami umanong nag-donate na friends niya including Mother Lily Monteverde.

May ila-launch din daw siyang Budots contest kung saan pipiliian at mananalo ang pinakamahusay mag-Budots na pinasikat ng sobra ng senador noong nakaraang election.

 

 

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with