Anne, planado na ang mga gagawin âpag nakabalik ng Pilipinas
Anne Curtis at baby Dahlia
Anne, planado na ang mga gagawin ‘pag nakabalik ng Pilipinas
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

Kahit nasa Australia pa ngayon si Anne Curtis ay pinaghahandaan na umano ng aktres ang mga gagawing proyekto sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Matatandaang nagtungo si Anne sa Australia noong isang taon upang doon manganak.

Ipinanganak ni Anne si baby Dahlia noong Marso. “We’ll see. I’ve spoken to Viva, may mga movies na kaagad pag-uwi ko anytime na magaganda din. Actually tinatanong na nga ako kailan ako uuwi. But we’ll see. In terms of going digital, siyempre that option will be there anytime lalo na ‘yung asawa ko napaka-savvy when it comes to that world,” pagbabahagi ni Anne.

Sa ngayon ay ini-enjoy lamang umano ng aktres ang bawat oras na kasama ang asawang si Erwan Heussaff at ang kanilang anak. Anim na buwang gulang na ngayon ang supling ng mag-asawa kaya naman talagang abala si Anne sa pag-aalaga kay Dahlia. “I really want to be here for her as much as I can. Parang I don’t want to miss out on any of her firsts. Gusto ko super present ako, ‘yung oras ko talaga is for Dahlia,” paglalahad niya.

Umaasa si Anne na makakauwi na sa Pilipinas bago magtapos ang taon upang dito na rin maka­pagdiwang ng Kapaskuhan.

Hindi pa makauwi ang aktres kasama ang pamilya sa ngayon dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Hopefully by the end of the year, we’ll be able to come back to Manila na. Pero siyempre playing it by ear pa rin. We’ll see, pero ‘yon naman talaga ang goal, makapag-Pasko kami diyan,” pagtatapos ng aktres.    

Mayor Isko, interesado pa rin sa showbiz

Noong isang taon ay muling naranasan ni Mayor Isko Moreno na umarte sa harap ng kamera. Nakatrabaho ng alkalde si Coco Martin para sa pelikulang 3pol Trobol, Huli Ka Balbon.

Ayon kay Mayor Isko ay mas prayoridad pa rin niya sa ngayon ang maglingkod sa bayan kaya hindi na nasundan ang huling pelikula. “Noong pumasok ako ako sa politics, 90% binaligtad ko. I dedicated my life into public service and engage myself to further knowledge and understanding how government works, how to create policy technically speaking and program of governance that based on facts and data. So I dedicated my life to public service,” paliwanag ni Mayor Isko.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay posible pa rin namang makagawa ang actor-politician ng ilang mga proyekto sa show business. Nagkataon lamang na mas kailangang pagtuunan ng panahon si Mayor Isko ang paglilingkod para sa mga mamamayan. “Ang focus ko talaga ngayon is public service. But given a chance, why not? From time to time ‘pag papipiliin ako ngayon, I think I should focus on attending the public issues and public programs and services,” giit ng alkalde ng Maynila. Reports from JCC

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with