Anak nina Gabby at Jenny, ikakasal na
Anak nina Gabby at Jenny, ikakasal na
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

Alam mo ba, Salve, na si Cloie na anak nina Gabby Concepcion at Jenny Syquia ay ikakasal na?

Bongga siya ha, naunahan niya pa si KC Concepcion, ang ate niya.

Sumali sa isang beauty contest si Cloie bilang Ms. Sweden, pero hindi nanalo.

Naging close naman siya sa mga kapatid na sina KC at Garie, ang anak ni Gabby kay Grace Ibuna.

Legally adopted na si Cloie ng asawa ni Jenny, na isang swedish na Skarne ang surname.

Mukha namang lumaking mabait na bata, dahil nakatapos ito ng college at naging close naman sa mga kapatid sa amang si Gabby.

Hindi nga lang yata sila nagkaroon ng pagkakataong maging close ng father niyang si Gabby, dahil hindi sila nagkikita noong nandito siya, kahit pa nga for a while nag-stay siya sa lugar ni KC.

Well, hindi ko alam kung invited niya si Gabby sa kanyang kasal, pero mas maganda na nga siguro ang sitwasyon nilang lahat ngayon, kaya kung anumang mangyari, tadhana na lang ang magde-decide.

Congrats, Cloie, and to the mother of the bride, Jenny. 

Pinky, homeless naman ang ipagluluto

May bago na naman palang show si Pinky Tobiano. Grateful Tuesday with Yeng Constantino, kung saan magluluto siya ng pagkain for 100 homeless kids na siyang charity work ngayon, dahil ok na ang mga ginagawa niyang tulong sa mga nasa home for the aged at ngayon ay iyon namang mga poor and homeless ang gusto niyang tulungan.

Grabe ang energy ni Pinky pagdating sa cha­rity, kahit siya mismong maysakit, sige pa rin siya sa pagtulong at personal niyang ginagawa ito. Nakita natin Salve, ang pagtulong niya sa mga matatanda na nasa bahay-ampunan, dahil iniwan na ng mga kaanak, ‘yung Pinky Cares niya na patuloy na nagpapakain at nagbibigay ng mga kailangang supplies para sa mga ito.

Ngayon naman ay tutok siya sa mga homeless, dahil alam niya na kailangan talaga ng tulong para man lang maibsan ang gutom ng mga tao na walang-wala kaya sa kalsada na nakatira. Golden heart siya talaga.

Pinky Tobiano, Salute.

GABBY CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with