Kilalang personalidad, pinatanggal pati ugat sa kamay at Braso
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

Bumibiyahe talaga ang mga kuwento sa buong mundo. Walang ligtas ang mga personalidad kahit saang lupalop pa sila manirahan at magtrabaho.

Dahil ‘yun sa makapangyarihang pag-unlad ng teknolohiya. May Facebook, may Instagram, may You Tube, may Viber, may WhatsApp, Messenger, WeChat, Tumblr, Twitter, Reddit, Linkedln, Snapchat, Pinterest, Zoom, StreamYard at kung anu-ano pa.

Isang source na mula sa isang malamig na bansang kinaroroonan ng isang kinabubuwisitang dating male personality ang nagkuwento tungkol sa kanyang buhay ngayon.

Kuwento ng impormante, “Kailangan niya talagang kumita sa kahit anong paraan ngayon. Matindi kasi ang kanyang pangangailangan. Balitang-balita sa Pinoy community dito na malaki pa ang dapat niyang bayaran sa isang clinic na gumagawa sa kanya.

“Galing na siya sa ibang clinic, pero lumipat-lipat siya, ang dami-dami niya kasing ipinagagawa. Gusto talaga niyang maging girl na girl!

“Kailangan lumiit ang mga kamay at arms niya, may ginagawa ring process para mawala ang mga ugat niya, marami!” unang kuwento ng aming impormante.

Kapag matindi ang pangangailangan ay natural lang na pasukin niya ang kahit ano, ang lahat ng paraan para siya kumita, para makatugon sa kanyang mga dapat bayaran.

“In fairness, kuwento ng mga officemates ko, e, ma-PR daw siya. Chikadora. Kaya lang, hanggang ngayon, e, hindi maintindihan ng mga kakuwentuhan ko kung bakit siya nagkaganyan!

“Nu’ng umalis kasi sila d’yan sa Pinas, e, lalaking-lalaki siya, action movies pa nga ang ginagawa niya, pero bakit nagpa-girl na siya ngayon?

“Okey na sigurong nag-out na lang siya, hindi na lang siya nagpa-girl, kaya talagang hindi siya matatanggap ng mga kapatid niyang bruskung-brusko pa naman ang image!

“Saka hindi maganda ang ginagawa niya ngayon na naglalabas ng mga kuwentong maraming tao ang nasasagasaan niya. Pinabababa niya ang antas ng mga beki.

“Totoo man o hindi ang mga kuwento niya, e, nakapagpapababa ‘yun sa image ng organization na kinabibilangan niya,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Ogie Diaz, malabong magkautang kay Rustom

Aangkinin namin ang pagkakataong ito. Bukod sa kanyang pamilya ay walang ibang nakakakilala nang malaliman kay Roger Pandaan a.k.a. Ogie Diaz.

Hindi man siya nagmula sa aming sinapupunan ay galing naman siya sa aming puso. Nasaksihan namin ang unang araw ng kanyang pangangarap. Inabangan niya kami sa gate ng GMA-7 nu’ng may programa pa kami du’n.

Hanggang sa ginabayan namin siya sa pagi­ging proofreader ng mga babasahin ng Mariposa. ­Proof­­reader na isang araw ay nagtangka nang mag-interbyu ng mga artista para sa kanyang mga artikulo.

Mga artikulo na naging kolum na. Pagkokolum na wala pang ilang buwan ay naging patnugot na ng Teenstars. Bahagi kami ng mga baitang ng hagdan ng tagumpay na inakyatan bilang manunulat ni Ogie Diaz.

Tuwing Martes, kada linggo, ay malaki ang halagang kinukubra ni Ogie sa Mariposa. Masipag kasi siya, mapagmahal sa kanyang trabaho, kakambal ang pangarap na maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Nakabili siya agad ng bahay sa Langgam, Laguna, nakabili ng kotse, masinop siya sa pera dahil marami siyang pangarap para sa kanyang pamilya.

Hanggang sa naging field reporter na namin siya sa Cristy per minute, naging bahagi na rin siya ng sitcom na Palibhasa, Lalake bilang si Pekto, at ng iba pang mga sumunod na oportunidad na dumating sa kanyang buhay at karera ay hindi na kakasya sa espasyong ito dahil sa dami.

Takot sa utang si Ogie Diaz. Kahit pa may kapasidad na siyang magbayad ay hindi siya papasok sa isang obligasyong iintindihin pa niya. Malinis ang kanyang mga kamay sa usaping ng pangungutang.

Milyonaryo na ngayon si Ogie Diaz. Milyones na kinita niya sa malinis at marangal na paraan. Ma­nager na siya ng mga sikat na artista na nag-aakyat nang malaking halaga sa kanyang kaban.

Hindi pambenta ang kanyang panulat, bukas ang kanyang puso at bibig sa pagbibigay ng kanyang mahalagang opinyon kahit ikasama pa ng loob ng kanyang tinutukoy, hindi nakatali ang kanyang dila at mga daliri sa paninindigan sa katotohanan.

Bakit namin piniling maging paksa si Ogie Diaz sa aming kolum ngayon? Dahil kilalang-kilala namin siya. Dahil kulang na lang na iluwal pa namin siya sa mundo.

Dahil gusto naming idiin na nasa estado ng pag-iilusyon si Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari nang sabihin nito sa kanyang vlog na may utang sa kanya si Ogie Diaz.

FACEBOOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with