JC, hindi nilayasan ang Kapamilya
JC
STAR/ File
JC, hindi nilayasan ang Kapamilya
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

Ginaya si Angelica

Aside from Angelica Panganiban, hindi rin pala kasama sa gag show ni direk Bobot  Mortiz sa TV5 for Brightlight Productions si JC de Vera.

In fact, nabanggit ng source, na may gagawing teleserye si JC sa kanyang mother network, na hindi nakakapag-operate sa free TV sa kasalukuyan matapos hindi bigyan ng franchise ng Congress, dahil pinili raw ng actor na manatili sa ABS-CBN.

Nagti-taping na ang Sunday Kada’ Kada Sunday sa Boracay para sa kanilang premiere episode.

Isa ang Sunday Kada’ Kada Sunday sa mga programang ila-lauch ng TV5 under Brighlight Productions ni former Cong. Albee Benitez.

Maraming iba pang show ang Brightlight na pawang mga taga-ABS-CBN ang bibida na nauna naming nabanggit dito.

Sharon, nilantad ang koleksiyon ng mga relos na milyon-milyon ang halaga

Wow. Grabe ang collection ng mga relos ni Sharon Cuneta na napapanood sa kanyang YouTube channel.

As in mapapanganga ka sa mga brand pa lang – Piaget, Rolex, Cartier and more.

Some sentimental pieces pa lang daw ang mga ipinakita niya na dedicated sa kanyang bashers kasama na ang bigay ng mommy and daddy niya.

Aminado siyang isa sa mga paborito niya ang relo at kasama rito ang Rolex Daytona na may mother of pearl at isang gold Piaget Polo sa nasabing collection.

Ngayon daw ay na-realize niyang ang dami na pala niyang relos kaya hindi muna siya bibili unless mapa-tumbling siya sa ganda. “So bashers, this is dedicated to you. Because it all started with my famous, ‘yung Rolex watch na gold na pinost ko sa IG (Instagram). Aba’y nilubos na namin,” natatawang dialogue ng actress tungkol sa pagpapakita niya ng mga nasabing relos.

TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with