Pauleen, lutang ang kaligayahan sa buhay
Pauleen at Vic
STAR/ File
Pauleen, lutang ang kaligayahan sa buhay
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

Pag pinapanood ko si Pauleen Luna sa talk show nila nina Pokwang at Ria Atayde sa TV5 Salve, nakikita ‘yung maturity ng wisdom niya at inner happiness. Tuwang-tuwa ako na gustung-gusto niya ‘yung role ng mother at asawa na ginagawa niya ngayon, at damang dama mo ang happiness sa kanya.

Hands on siya sa pag-aalaga kay Talitha, sa pagiging Mrs. Vic Sotto at kahit pa nga paminsan-minsan may tinatanggap siyang trabaho, priority pa rin sa kanya ang pamilya nila.

Hindi ko akalaing magiging ganito ang atake ni Pauleen sa buhay may asawa, dahil nga sa edad niya na bata pa kung tutuusin, pero siguro nga by heart talagang mas gusto niya ang settled life as a married woman.

Suwerte naman na isang matured at good provider ang na-ging asawa niya na si Vic.

Fated to love you talaga silang dalawa, kaya it will last forever.

Kris, nakaiwas sa stress

Hindi ko makita ang logic kung bakit hindi natuloy ang show ni Kris Aquino.

Kung talk show ang pag-uusapan, walang tatalo kay Kris sa paggawa nito. Ayos na ang lahat, dumalaw at nag-pictorial pa si Kris sa studio ng TV5, exci-ting pa ‘yung thought na baka magkasama sila ni Raffy Tulfo, maging guest siya o ito ang guest niya.

Lahat ng excitement at possibility nasa pagpunta ni Kris sa TV5. Imposible na walang paglagyan ng oras o araw, imposibleng makagulo sa programming, ayos na ang lahat, ang paglabas na lang ang kulang, anong nangyari?

Sino ang producer at nagkaroon ng problema? Ano ang hindi pinagkasunduan? Ano ang naging drama sa likod nito?

Sayang na sayang, pero malay mo kung talagang itinakda para na rin sa kabutihan ni Kris. Baka nangyari ang lahat para hindi na muna siya ma-stress physically at maging dahilan pa para magkasakit siya.

At the right time, sure ako, it will push through, sure ako na it will happen, no big deal na hindi ito natuloy ngayon.

Who knows something bigger is waiting for Kris. Fighting.

Undas, pinakialaman din ng virus

Pag naiisip ko na sarado ang mga sementeryo sa Undas, parang isa na naman sa mga little happiness natin ang kinuha ni COVID-19. Iyon ang araw kung kelan para na ring reunion ng bawat pamilya, dahil halos lahat ay pumupunta sa sementeryo na pati mga bata looking forward sa araw na ito dahil nga parang fiesta sa rami ng tao, isang araw na kapiling mo ang mga nauna na sa atin.

Grabe talaga ang pagiging killjoy ni coronavirus sa buhay natin, talagang nightmare siya. Isa itong pangyayari na talagang unforgettable na hindi natin inakala na tatagal ng ganito. Seryoso rin ang SARS noon, pero hindi gaanong nagulo ang mundo.

Bongga talaga ang destructive effect ng COVID-19, dahil buong mundo nagparamdam siya.

Pero don’t steal Christmas from us, please. Let us cele-brate the birth of Christ kahit andiyan pa rin ang takot, kahit nandiyan ang lungkot dahil sa mga nangyari, sa mga nawala. Huwag dapat mawala ang hope sa atin, we should always think of the good things, huwag tayong patalo sa virus.

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with