^

PSN Showbiz

Joshua, nahilig magbasa dahil kay Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, nahilig magbasa dahil kay Julia
Joshua
STAR/ File

Ngayon ay limitado pa rin ang mga trabaho dahil sa banta ng covid-19 pandemic.

Habang walang proyekto si Joshua Garcia ay mayroong isang bagay na nakahiligang gawin ang aktor sa loob ng bahay. “Nagsimula ako magbasa-basa ng libro. Tinapos ko ‘yung about sa ‘Broken,’ poem siya. Natapos ko na rin ‘Secret Life of Introverts.’ Natapos ko rin ‘yung ‘The Creative Curve.’ Binabasa ko ngayon, mahilig kasi ako sa non-fiction. Before ‘di ko alam difference ng fiction sa non-fiction. Mas interesting sa akin non-fiction, binabasa ko ‘You’re A Bad Ass.’ Goal ko ngayon sa isang araw maging productive lang ako. At least maka-40, 50 pages ako,” pagbabahagi ni Joshua.

Napatigil sa pag-aaral ang aktor mula nang pasukin ang show business. Para kay Joshua ay magandang libangan ang pagbabasa upang madagdagan ang kanyang mga kaalaman. “Feeling ko ‘pag nagbasa-basa ako, nakakatulong sa work ko, sa mga interview. Sa mga tamang pronunciation and vocabulary. Nakakatulong naman,” giit ng binata.

Ayon kay Joshua ay malaki ang naging impluwensya sa kanya ng dating kasintahan na si Julia Barretto. Mahilig din umanong magbasa ang dalaga noong mga panahon na magkarelasyon pa sila. “Nagpupunta kami sa mga store ng libro, namimili ng mga libro. Di ko binabasa, bili lang ako nang bili. Hilig sa pagbili ng libro, nakuha ko sa nanay ko, ‘yung hindi pagbasa ng libro, sa tatay ko. Ang dami kong binili before,” natatawang kuwento ng aktor.

 

Kamakailan ay ginulat ni Carlo Aquino ang netizens nang mag-post sa Instagram ng larawan ng isang sanggol.

Kumpirmadong anak ng aktor sa kasintahang si Trina Candaza si baby Enola Mithi. Sobrang kaligayahan ang nararamdaman ngayon ni Carlo dahil mayroon nang sariling pamilya. “Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na ‘yung sarili mo ‘yung priority kundi ‘yung mag-ina mo na, ‘yung family mo. Ang sarap na nagtatrabaho ka para sa kanila. Future ng anak ko ‘yung nakasalalay. Siyempre gusto mo maging stable, maging maayos kung saan siya mag-aaral, ‘yung gano’ng mga bagay,” pahayag ni Carlo.

Hindi naman umano inilihim ng aktor sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ng kanyang kasintahan. Wala ring problema para kay Carlo kung malaman ng mga tao na mayroon na siyang anak ngayon. “Hindi lang namin na-post. Kasi kapag lumalabas kami although naka-mask, may mga nakakakilala pa rin sa akin, may mga nagpapa-picture eh kasama ko si Trina. Blessing ‘yon, hindi rin naman ako nagpo-post para sa ibang tao, nagpo-post ako kasi gusto ko, gusto namin ni Trina na i-share ‘yung happiness,” paglilinaw niya.

Malapit nang bumalik sa trabaho si Carlo kaya naman sinasamantala ngayon ng aktor ang bawat sandali na kasama ang kanyang mag-ina. “Siyempre ‘yung mga trabaho natin ngayon is lock-in, dalawa’t kalahating linggo. Sobrang laking bagay no’n kasi ‘yung ganitong sanggol, sobrang bilis daw talagang lumaki. So talagang every moment gusto ko ako na lang muna,” pagtatapos ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with