Winwyn, naging disiplinado
Winwyn
STAR/ File
Winwyn, naging disiplinado
Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

Marami nga raw natutunan na bago si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez sa pagsabak niya sa Basic Citizen’s Military Training. Isa raw ay ang matinding disiplina sa katawan at isipan. “I know this will sound a bit weird pero you don’t need the motivation to have discipline. Kumbaga kung alam mo sa sarili mo na disiplinado ka, alam mong mapupuntahan mo ‘yung goal mo. Kasi if you have motivation, yeah it will push you and give you strength, given naman ‘yon. But if you don’t have the discipline, pwedeng mag-left or right ‘yung direction mo, e. So ‘yung goal mo, mas matagal mong mari-reach.

“Nung sumali ako sa training and I spoke to a lot of officers, I realized na discipline is really, really important para isang straight line ka lang at hindi ka talaga ma-distract sa pupuntahan mo.

Mas tumaas ‘yung knowledge ko about discipline. I don’t know if it makes sense pero mas binibigyan ko na siya ng pansin para sa sarili ko pati na sa mga tao sa bahay. Discipline is a big factor so as much as possible I tell them about that.”

Nagbalik na rin sa taping si Winwyn at natapos na niya ang isang episode for I Can See You: High Rise Lovers kung saan kasama niya si Tom
Rodriguez.

Barbie, pinaiyak ni Cherie

Maraming netizens ang nabahala sa isang lumabas na video na humahagulgol ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.

Pero bago mag-isip ng kung anu-ano ang maraming netizens, ang pag-iyak na iyon ni Barbie ay may kinalaman sa acting masterclass ni Cherie Gil na natampok sa isang episode ng New Normal: The Survivial Guide series na Home Work.

Sa naturang episode, pinatunayan ni Barbie kung bakit siya tinawag na Primetime Princess, dahil ilang segundo lang ay umiiyak na si Barbie na hinangaan ng host ng programa na si Rovilson Fernandez.

Kaya naman sinubukan pa ni Rovilson si Barbie sa ibang acting challenge tulad ng isang eksena sa teleserye na Kara Mia kung saan ginampanan niya ang role ni Mike Tan bilang si Iswal at nagawa nga ni Barbie na ipakita ang acting para sa eksenang iyon.

Sey pa ni Barbie na kaya siya nag-take ng online acting class ni Ms. Cherie ay para mawala ang pagkabagot niya sa bahay noong mapahinga siya ng ilang buwan sa taping. Paraan din daw ang online acting class para hindi kalawangin ang pag-arte niya, at may matutunan siyang bagong style sa pag-arte kung sakaling mag-resume na ng taping.

“Taking up online classes is another productive way to spend your day at home. It’s another way of trying to find yourself, kung ano talaga ‘yung magwo-work for you. Either acting o kung anong klaseng business ‘yan, siyempre, kailangan pag-aralan mo muna and ang dami ng available na online classes na makakapag-provide n’yan,” sey pa ni Barbie na nagsimula na mag-taping para sa teleserye nila ni Kate Valdez na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Hollywood comedian na si Amy Schumer, may Lyme disease hindi COVID-19

Nilinaw ng Hollywood comedian na si Amy Schumer na hindi coronavirus ang pinagdadaanan niyang sakit ngayon kundi Lyme disease. Sa kanyang Instagram post, humihingi ng advise si Amy sa mga nagkaroon na ng Lyme disease kung meron pa silang mabibigay na iba pang gamot.

“Anyone get LYME this summer? I got it and I’m on doxycycline. I have maybe had it for years. Any advice? Can you have a glass of wine or 2 on it? I know to stay out of the sun. I’m also taking these herbs from cape cod called lyme-2. Please comment or text me on my number in my bio. I also want to say that I feel good and am excited to get rid of it.”

Nag-take si Amy ng Doxycycline na isang antibiotic para magamot ang nakuha niyang bacterial infections.

Ang Lyme disease ay nata-transmit sa katawan ng tao dahil sa mga ticks kung tawagin ay ixodes. Ang symptoms nito ay rashes in a bull’s eye pattern or redness on the skin known as erythema migrans na itchy at masakit, flu, joint pain, and weakness in the limbs.

Common ang Lyme disease sa North America at Europe lalo na kapag dumarating ang spring and summer season.

WINWYN MARQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with