^

PSN Showbiz

Pamilya ng male personality grabe ang takot noon sa aktor na nagsinungaling

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakahaba pala ng kuwento tungkol sa naganap na banggaan nu’n ng dalawang kilalang pamilya sa showbiz dahil sa gender ng isang kilalang male personality.

Ipinagtanggol siyempre ng kanyang mga kapatid ang male personality, pinagbantaan ang lalaking personalidad na nagsabing bakla siya, pero bago naganap ‘yun ay kinausap muna siya nang seryosohan ng kanyang pamilya.

Kuwento ng aming source, “Actually, wala namang kasalanan ‘yung male personality na nagsabing bakla siya. Iniutos lang sa kanya ng writer ng sitcom ‘yun!

“Kaso, nasaktan ang girlfriend ng male personality dahil naghagalpakan sa set nu’ng magparinig ang male personality na questionable ang gender ng boyfriend niya!

“Nagsumbong ang girl sa kanyang boyfriend, nagwarla ang male personality, hanggang sa makarating na ang kuwento sa mga kapatid niya na siyempre, galit na galit!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Kinausap nang masinsinan ng kanyang mga kapatid ang male personality, diretso ang kanilang mga tanong, “Bakla ka ba talaga?”

Patuloy ng aming source, “Natural, deny kung deny ang male personality, straight daw siya, hindi raw niya bibigyan ng kahihiyan ang family nila!

“So, ipinagtanggol ng mga kapatid niya ang male personality, hinamon nila ng away ang pamilya ng male personality na nagsabing bakla siya! Sa takot ng pamilya ng male personality, e, nangibang-bayan na lang sila!

“Agarang naglipat-bahay ang pamilya, iniwanan nila ang bahay nila sa subdivision, para sa kaligtasan nila! Nakakatakot naman kasi ang pamilya ng male personality, sa totoo lang!” madiing sabi ng aming source.

Pagkatapos ng maraming taon ay heto na. Nagkahiwalay ang male perso-nality at ang kanyang karelasyon. Nangibang-bansa ang male personality at sumpa ng mga sumpa!

Sabi ng aming source, “Paano na? E, totoo naman pala ang sinabi nu’ng male personality na bakla siya? Paano na ang mga kapatid niyang sumugod pa sa bahay nu’ng male personality?

“Nakakaloka! Tama naman pala ang pagdedenay niya nu’n, hindi raw siya bakla, kasi nga, e, girl pala siya! Juice colored! At puro kahihiyan ang ibinibigay niya ngayon sa pamilya niya sa mga pinaggagagawa niyang kuwento!” nawiwindang na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Apaw ang kita, Raffy kayang-kayang bumili ng truck-truck na sapatos at damit

Ibang klase ang kasikatan ngayon ni Raffy Tulfo! Buong mundo, basta may Pilipino, ang sumusubaybay sa kanyang mga programa ngayon.

Nakuha niya ang tiwala ng mga kababayan natin dito at sa iba-ibang bansa man dahil may nagiging positibong resulta ang mga problemang isinusumbong-inilalapit nila kay Raffy Tulfo.

Napakalawak naman kasi talaga ng nasasakupan ng kanyang mga programa. May kinakausap siyang heneral, chief-of-police, mga ahensiya ng gobyerno na tumutulong sa kanya sa paglutas sa mga problemang iniluluhog sa kanya.

Dahil sa pagresolba niya sa mga problema ng mga kababayan natin, lalo na ng mga OFW na nakararanas ng pagmamaltrato ng kanilang mga amo, ay sumusuka sa kabusugan ang kanyang YouTube Channel at Facebook account.

Milyun-milyon ang kinikita niya buwan-buwan dahil sa laki ng kanyang followers at views, milyunan na ibinabahagi niya naman bilang pangtulong sa mga lumalapit sa kanya na may matinding pangangailangan, hindi niya sinosolo lang ang tinatanggap niyang mga biyaya.

Natagpuan ni Raffy Tulfo ang balwarteng kanyang-kanya lang, siya ang ipinananakot ng mga kababayan natin sa mga umaapi sa kanila, “Ipatu-Tulfo kita!”

Buung-buo ang tiwala kay Raffy Tulfo ng mga Pinoy, hindi maiiwasang may makabangga siya dahil sa pagtatanggol sa ating mga kababayan, pero sa pagtatapos ng araw ay itinuturing siyang bayani ng mga inaapi at idinidiin sa mga kasalanang hindi naman nila ginawa.

Tanong ng isang kaibigan namin, “Ilang pares ng sapatos kaya meron si Raffy Tulfo? Grabe ang mga sapatos niya, puro branded, ang dami-dami!”

Standard ang sagot namin, hindi na rin namin mabilang, sapatos at damit talaga ang kanyang kaligayahan.

At bumili man siya ngayon ng truck-truck na sapatos ay kayang-kaya niya, kabuhayan na ng isang buong nayon ang biyayang tinatanggap niya buwan-buwan, kaya nasa posisyon siyang regaluhan ang kanyang sarili sa walang kapaguran niyang pagtatrabaho sa araw-araw.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with