Paul Salas nagsalita sa mahalay na video ng ama
Paul Salas
Paul Salas nagsalita sa mahalay na video ng ama
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

Ayaw nang patulan ng kampo ng young actor na si Paul Salas ang tungkol sa kumalat na vidjakol ng ama niyang si Jim Salas.

Mahaba ang video na iyon na parang may ka-chat ang dating miyembro ng Universal Motion Dancer.

Hindi na lang namin tinapos dahil sa mahaba at wala namang ibang pinapakita.

Sinubukan naming hingan ng pahayag ang anak niyang si Paul pero tahimik lang ang bagets.

Sabi naman ng kampo ng young actor, sobrang tagal na raw ang isyung iyon. Bago pa raw mag-quarantine at hindi na lang nila ito pinapansin.

Iyon lang naman ang pinapamabisang paraan para kusa nang mamatay ang isyu, ang manahimik na lang.

Marian, ipapasyal agad ang mga anak sa park pagkatapos ng pandemya

As of now, wala pa raw final decision ang GMA 7 kung itutuloy pa rin ba ang First Yaya na dapat ay kay Marian Rivera.

Para kay Marian, okay lang sa kanya kung gustong ituloy ng GMA 7 kahit wala siya. Kasama sa nanghihinayang dito ay si Sandy Andolong na gaganap sanang ina ni Marian sa seryeng ito. Wala pa namang pasabi sa kanya kung hintayin na lang o wala na talaga ang proyektong ito.

Sa ngayon ay naka-focus muna si Marian sa pamilya niya na sabi nga namin sa kanya, baka naman sign na talaga ito na maging full time housewife na siya.

Tuloy pa rin naman si Marian sa hosting niya sa Tadhana na sinu-shoot sa bahay nila na si Dingdong Dantes ang nagdidirek.

Kapag okay na raw lahat at tapos na ang pandemyang ito, tiyak na babalik na raw siya sa trabaho.

Sa totoo lang, ito rin ang hinihintay ng anak nilang si Zia na matapos na ang pagkaka-lock in nila sa bahay. Gustung-gusto na raw kasi ni Zia na makabalik sa school dahil nami-miss na raw niya ang mga classmates niya at teachers.

“Baka next year, maging okay na yung mundo natin, gusto naman naming maging normal at makapasok siya sa eskuwelahan na normal siyang estudyante. Priority namin ang pag-aaral niya,” pakli ni Marian sa virtual tsikahan namin via Zoom nung nakaraang linggo.

As much as possible, mas gusto raw nilang normal lang ang takbo ng buhay ng kanilang anak na hindi celebrity status. “Gusto kasi namin siyang maging normal at makapasok sa school na alam mo yung maging okay siya,”  saad ng GMA Primetime Queen.

Minsan daw kasi, si Zia mismo ay nagtataka bakit kilala siya ng mga tao na nasasalubong nila. Ipinapaliwanag nilang nakikita kasi siya sa commercials at alam naman ng lahat ng anak siya ng sikat na celebrity couple. “Priority pa rin namin ni Dong na maka-focus siya sa pag-aaral, para maging normal naman siya,” sabi pa ni Marian.

Sa ngayon ay inalalayan muna niya sa online class si Zia, pero kapag matapos daw ang pandemyang ito, ang maglaro sa park ang una nilang gagawin. “Si Zia at si Sixto igagala ko sa park. Maglalaro kami dun. Si Sixto ang kawawa kasi hindi niya na-experience ang lumabas at maglaro sa park. Mag see saw dun, mag-swing, maglaro sa damuhan, wala eh.

“Dito lang siya sa bahay,” sabi pa ng Kapuso actress.

PAUL SALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with