Yassi, maraming bantay sa taping
Yassi
Yassi, maraming bantay sa taping
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

Kasalukuyang nasa Batangas si Yassi Pressman para sa lock-in taping ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Tatlong linggong magkakasama ang buong production team para mga episode na gagawin ng serye.

Ayon kay Yassi ay mas naging mahigpit pa ngayon ang ipinatutupad na TV production security and safety protocols dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Napakarami rin po naming mga marshals at mga nagbabantay para siguraduhin na wala pong ibang makakapasok (sa location) na hindi kasama ng staff, crew at mga artist. We feel very safe na po,” paglalahad ni Yassi.

Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil patuloy na napapanood ang naturang serye sa Kapa-milya Channel kahit nagsara na ang ABS-CBN.

Matatandaang hindi naaprubahan ng Kongreso ang aplikasyon para sa bagong prangkisa ng TV network kamakailan. “I feel really blessed and still very, very thankful and grateful na may trabaho pa rin po kami despite of the situation. Kaya mahal na mahal po namin ang network at ang show na ito dahil patuloy ang pagsisikap para siguraduhing ligtas kaming lahat na magkaroon pa rin po kami ng pagkakataon na in the service of the Filipino,” pahayag ng dalaga.

Angelica at John, nag-aaway pa rin

Halos magkasabayang nagsimula sa show business sina Angelica Panganiban at ang magkapatid na Camille at John Prats. Unang naging magkaibigan sina Angelica at Camille dahil madalas na magkasama sa mga proyekto noong kanilang kabataan.

Mas naging malapit naman sina John at Angelica noong nagkasama sa Banana Split mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa simula nang mapag-usapan ang tungkol sa kanya-kanyang buhay-pag-ibig noon. “Doon siguro namin na-prove na hindi namin kaya iwan ang isa’t isa. Hindi ko ka-yang nasasaktan ang taong ito. Doon na talaga siya lumalim, okay alam ko na ito. Wala itong iwanan,” bungad ni Angelica.

Madalas umanong mapagkwentuhan ng dalawa noon ang tungkol sa kanya-kanyang nakarelasyon. Ayon kay Angelica ay talagang naroon sila palagi para sa isa’t isa pagda­ting sa love life. “Oh yes, sinasabi namin, siya kasi kapag may dine-date, parang wala ako diyan kahit bestfriend mo ako. Pero kapag may sinabi siyang red flag, bibigyan ko lang siya ng advice. Pero kasi kapag gusto mo na, gusto mo na iyan eh. Feeling ko sa aming dalawa, kasi siya ‘yung in love tapos ako ‘yung nasa labas. So ako ‘yung nakakakita ng, ‘Mali na ito ah, nang-aabuso na si girl ah.’ Doon nagsisimula ‘yung inis ko. Tapos sasabihin ko ‘yon sa kanya. Pero siyempre kikimkimin ko muna. Ayaw ko namang makadagdag sa mga nangyayari sa kanila din. Pero kapag nainis na ako sa girlfriend niya, wala na ‘yon, ayaw ko na. hindi na ako sumasama sa kanila. Hindi na ako third wheel,” pagbabahagi ng dalaga.

Katulad na ibang magkakaibigan ay nakaranas rin ng pag-aaway sina John at Angelica. Aminado ang aktres na talagang nasaktan siya noong mga panahong may gusot sa pagitan nila ng aktor. “Masakit kasi totoo ‘yung away namin. Prangkahan, sasabihin niya talaga na, ‘Naiinis ako sa iyo,’ ‘Masama ang loob ko sa ‘yo.’ Kahit umiiyak ako, hindi siya maaapektuhan, palilipasin muna namin,” pagtatapat ng aktres.

(Reports from JCC)

YASSI PRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with