Derek, nagsalita sa chikang naghahanap ng bayarang babae!
Derek
STAR/ File
Derek, nagsalita sa chikang naghahanap ng bayarang babae!
ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

Hindi mo kailangang maging matalino. Simpleng lohika lamang. Sa palagay ba ninyo ang isang lalaking kagaya ni Derek Ramsay, na katakut-takot na ang magagandang babaeng naging girlfriends, at hanggang ngayon kahit na sabihin mong may girlfriend na ulit siya, hinahabol pa rin ng mga babae. Iyan ba namang ganyang lalaki ay magha­hanap pa ng isang babaeng bayaran?

Napakalaking kalokohang isipin na ang isang lalaking ganyan ay maghahanap pa ng iba. At bakit naman isang babaeng bayaran? Bakit naman pokpok pa, na babayaran diumano ng P150,000.

Kung iyon naman ay para sa isang stag party nga, bakit naman si Derek ang maghahanap ng entertainer?

Pero ang totoo matagal na pala iyan. Nabalitaan na rin ni Derek ‘yan noon pa, pero hindi niya pinapansin dahil ang iniisip niya, sino ba namang ugok ang maniniwala na siya nga iyon o gagawin niya ang ganoong bagay. At saka sa totoo lang, sa show business ang daming ‘booker’ na gumagawa ng ganyan.

Bakit si Derek pa mismo ang maghahanap, at sa internet pa. Pero talagang kumakalat eh. Tapos ngayon maski na ang fans niya nababahala na, at iyon ang dahilan kung bakit kumilos na si Derek.

Siya mismo ang nag-post sa kanyang verified na social media account na hindi sa kanya ang telephone number na 09066796635, na nagpapakilalang “this is Derek,” at naghahanap nga ng mga babaeng bayaran. Eh nakakatawa nga dahil may mga ugok na naniniwala.

Ewan kung may nabola nga at kung nabola man ay ano ang nangyaring kasunod. Kung nagpabola sila, tiyak na alam nila na hindi naman si Derek ang tumawag sa kanila.

Baka kung sinong Derek-derekan lang iyon, at tiyak na mapapahamak lang sila basta pinatulan nila ang mga ganoong tawag.

Maine, kailangang makabawi

Magsimula nang aminin ni Maine Mendoza na hindi totoong nanliligaw sa kanya si Alden Ri­chards, at sila ay isang love team lamang sa telebisyon. At pagkatapos noon ay inamin niyang ang kanyang totoong boyfriend ay si Arjo Atayde, naging at odds na siya sa maraming kasama sa AlDub Nation.

Doon lang naman nagsimula iyan eh, at hindi naman talaga maikakaila na ang biglang pagsikat ni Maine ay epekto ng AlDub.

Hindi naman lalaki nang ganoon ang Aldub, kung hindi matin­di rin ang kanilang fans na kung tawagin nga ay AlDub Nation. May panahong napataob ng Eat Bulaga ang ratings ng lahat ng TV shows. Mil­yon ang bilang ng social media posts na sila ang topic. Eh noong parang binuhusan ng malamig na tubig ang init ng AlDub Nation, eh ‘di bumagsak nga.

Apektado talaga si Maine, dahil si Alden kahit papaano suportado pa ng GMA 7. Nakagawa pa si Alden ng pelikulang kasama si Kathryn Bernardo na siyang top grosser sa history ng Philippine cine­ma. Isipin ninyong isang pelikula lang iyon pero kumita nang mahigit isang bilyon.

Eh si Maine, ano ang nangyari? Hindi ba support na lang sa mga festival movies at TV shows ni Vic Sotto?

Kung sabagay, personal na buhay niya iyon. Kung doon ba siya maligaya eh ano nga ba ang pakialam ng kahit na sino?

Pero alam naman niya na artista siya. Isang bagay ang totoo, hindi mo puwedeng pilitin ang fans. Basta sinabi nilang ayaw na nila sa iyo, ayaw na nila. After all napakaraming artistang pinagpipi­lian ng fans ngayon.

Kung iyon ngang malalaking artista, na ang tu­ring ay halos superstar na noong araw, nalaos din eh, sila pa nga bang bago lang?

Basta sumikat ka, isipin mo na lang kung papaano mapapatagal iyon.

DEREK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with