Sen. Bong, dinagsa ng mga estudyante
Se. Bong
STAR/ File
Sen. Bong, dinagsa ng mga estudyante
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

Hindi akalain ni Sen. Bong Revilla, Salve, na ang dami pala talagang may kailangan ng tablets para sa kanilang pag-aaral. Halos thousands of students na ang nanghihi­ngi ng kanyang birthday tablets na handog niya para sa mga batang mag-aaral bilang gift sa kanyang birthday.

Naisip ni Bong, na sa halip na gumasta sa ibang bagay at ‘yung inilaan niya para sa sarili, ibili na lang ng computer tablets na ibibigay niya sa mga hihingi nito sa Facebook niya.

‘Kaloka ha, talagang nag-enjoy siya sa communication niya sa mga tao sa pamamagitan ng Facebook. Binigyan niya talaga ng oras ito para makausap ang mga nais magpaabot ng kung anumang problema sa kanya.

Excited nga siya, dahil feel na feel niya ang closeness sa mga tao sa pamamagitan nito.

Happy birthday, Sen. Bong Revilla, more years for you to grow older and wiser. Just follow your heart, ikaw lang ang may alam kung ano ang tama at mali.

Huwag kang magpatalo sa mga tao na bulag na ayaw tumigil sa mali nilang pagkilala sa iyo.

Mahal ka ni God kaya nandiyan ka pa rin sa kinalalagyan mo, at meron pa rin at maraming tao na mahal ka.

Just do what is right, don’t get distracted. Fighting.

Alden, hindi marunong mapagod

Ang gaan-gaan sigurong katrabaho ni Alden Richards, kaya naman halos tambak ang mga ginagawa niya.

Nakita ko ang teaser ng bago niyang TV show tungkol sa mga pangyayari sa pandemic at mukhang wala siyang kapagud-pagod.

Iyan ang maganda pag ang isang artista ay kilala sa pagiging mahusay makisama at magaan katrabaho. Ikaw ang laging hahanapin para sa bagong projects, ikaw agad ang papasok sa utak pag casting.

Sobrang blessing talaga ang naibigay kay Alden ng maganda niyang ugali at pakikisama. Lahat halos siya ang gusto, kaya naman tambak ang trabaho.

Ay naku, ganyan talaga, kaya dapat gayahin si Alden.

TIPMMG, pinaghahandaan tuwing Martes

Tuesday kahapon at medyo maulan, Salve, pero masaya ako dahil may Take It… Per Minute Me Ganun tayo, 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

Talagang sabik akong gumising pag umaga ng Martes, dahil looking forward ako na makita ang lahat ng kasama sa Obra ni Nanay.

Ang lunch na talagang inihahanda ng espesyal ni Bb. Tina Roa, at ‘yung ayos ng lugar natin sa Obra ni Nanay na linggu-linggong pinaghihirapan ni Japs Gersin, at sure akong looking forward sina PJ at Richie na makita na naman tayo.

Please po, sa followers namin ng TIPMMG, kitakits tayo tuwing Martes, 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube channel, pang-good vibes lang.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with