Aktres na hindi naman rich, tinanggihan sa kabilang network
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

Nabutas ang buslo ng biyaya ng mga personalidad na hindi nakapag-ipon nang hindi inaasahang maipasarado ang kanilang network. Wala silang ibang hanap ngayon kundi trabaho.

May mga nakalundag na sa ibang bakuran pero mas marami ang walang trabaho, naghaha­nap sila ng paraan ngayon para makaraket, dahil paano na nga naman ang kanilang kabuhayan showcase?

Isang kilalang female personality ang tumawag sa kanyang kaibigang matagal nang nagseserbisyo sa isang network. Nakikiusap siya na baka naman may role na nababagay sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Nagbagsak-presyo na siya, hindi na rin siya masasaktan kung may kaliitang role lang ang ibibigay sa kanya. Ang importante, e, ang may pagkakitaan siya.

“Matindi kasi ang obligasyon ng female personality sa kanyang pamilya. Siya lang talaga ang inaasahan, walang iba, kaya nang ipasarado ang network nila, e, iyak siya nang iyak.

“Gumagawa naman ng paraan ang kaibigan niya, nagtatanong ang friend niya sa mga production people kung meron bang chance ang friend niya na mai-guest man lang sa mga shows ng network, pero may sumulpot na problema,” unang kuwento ng aming source.

Nu’ng kasagsagan pala ng network war ay palaging nagpo-post ng pagdedepensa sa kanilang network ang kilalang female personality. Nakiki­pagpalitan siya nang maaanghang na salita sa mga production staff ng kabilang network.

Patuloy ng aming source, “Minarkahan pala ‘yun ng mga taga-production, hindi pa rin pala nila nakakalimutan ang matatalim na salitang ipinangbebengga sa kanila ng kilalang female personality.

“Natural, sarado agad ang pintuan nila para sa babaeng personalidad na naghahanap ngayon ng work! Feeling daw kasi nu’n ng girl, e, wala nang katapusan ang mga seryeng ginagawa niya.

“Paano na ngayon? Wala siyang trabaho, wala siyang kinikita, paano na ang pamilya niya na sa kanya lang talaga umaasa?

“E, hindi naman siya nakapag-ipon, bonggacious ang lifestyle niya, hindi naman siya rich para may maipanggastos ngayong panahon ng pandemya at pagkakapasarado sa network nila?

“Sana, kung rich siya, ‘di ba naman?” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie paikut-ikot sa mga ari-arian habang naka-chopper

Napaka-workaholic talaga ni Willie Revillame. Hindi siya puwedeng nakatengga lang, kailangang meron siyang pinagkakaabalahan, senyal ng matatagumpay na tao.

Sa hapon ang kanyang Tutok To Win, pero napakaaga niya pa ring gumigising, lumilipad siya papuntang Puerto Galera para bisitahin ang mga ipinagagawa niya sa kanyang beach house.

Pagkatapos ay lilipad na naman siya pa­puntang Tagaytay naman, nandu’n ang kanyang mansiyon sa Iruhin, pati ang mga ipinagawa niyang villa.

Sabi ng isang staff ng TV host, “Naku si Kuya Wil talaga ang lalaking walang pahinga! Hindi siya puwedeng mag-stay lang sa isang place na wala siyang ginagawa!

“Siya talaga ang naghahanap ng gagawin. Nagagawa niyang ikutan ang mga properties niya, hindi naman kasi siya nata-traffic, siya na ang nagpapalipad ng chopper niya,” sabi nito.

Sa kanyang bahay sa Ayala Heights umuuwi si Willie, nu’ng lockdown lang siya namalagi sa kanyang mga suites sa Wil Tower, nasa kanyang poder si Mommy Myrna na alagain na ngayon.

At kailangang nakaalerto ang kanyang production staff, anumang oras ay puwedeng magpatawag ng meeting si Willie, kapag may naisip siyang bagong game para sa kanyang show ay inilalatag niya agad ‘yun sa kanyang mga tauhan.

“Parang scriptwriter si kuya na kapag may naalalang magandang plot, e, agad na niyang sasabihin ‘yun sa staff niya. Implementation na agad kasunod nu’n.

“Tulad nitong Spin A Wil na regular segment na ngayon ng show, siya ang nakaisip nu’n, agad na niyang tinawag ang staff, binuo nila agad ang segment,” sabi uli ng kanyang staff.

Ang kasipagan ni Willie Revillame ang naghatid sa kanya sa tagumpay. Wala siyang sinasayang na panahon. Mas maraming magagaling na hosts kesa sa kanya pero pagdating sa kasipagan ay siya ang nangunguna.

Sabi ni Willie, “Kapag pinalampas mo kasi ang panahon, e, hindi na uli babalik ‘yun. Aalalahanin mo na lang, pero hindi na part ng ngayon.”

Oong-oo nga naman.

WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with