_ngayon
^
Wala nang pinupuntahan... Cherie, nagbenta ng sasakyan
Cherie Gil

Wala nang pinupuntahan... Cherie, nagbenta ng sasakyan

Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbenta ng isa niyang sasakyan ang award-winning actress na si Cherie Gil. Ayon sa aktres, wala naman daw siyang pinupuntahan ngayong may COVID-19 pandemic. Sa bahay lang daw siya parati kaya ano raw ang silbi pa ng marami kang sasakyan. “All of us are in the same form, kanya-kanyang barko nga lang. And then of course, the lifestyle changed. You rea­lize that you don’t need much.

“In fact, kakabenta ko nga lang ng isang kotse. That’s it, I don’t really need cars, I don’t go anywhere,’” sey pa ni Cherie.

Ito na raw ang new normal ni Cherie. Magbawas ng mga hindi na kailangan at matutong makuntento kung ano ang nandyan. “Somehow there’s a part of me na after all the time na parang nagse-settle na ako, nae-enjoy ko na at marami na akong nadi-discover about myself,” diin pa niya.

Kung may nami-miss daw si Cherie, iyon ay ang umarte sa harapan ng camera. Ito raw ang dahilan kung bakit meron siyang sinimulan na online master class. “I miss the camaraderie, I miss the laughter which only can happen in engaging with one another. I miss it of course, so that’s why I decided to create an online master class, so nai-ignite pa rin ‘yung motor ko at saka in a way I’m quite inspired.”

John, inamin ang naranasang depression

Naging open ang aktor na si John Estrada na dumaan siya sa matinding depression noong nagkaroon na siya ng pamilya sa edad na 18.

Kuwento ni John sa programang Tunay Na Buhay, hindi raw niya alam kung paano siya magsisimula na maging ama sa edad niyang iyon. “The struggle was really there. Hindi ko alam kung paano ko natawid ‘yun sa araw-araw. And to tell you honestly I really went to depression at the time because noong nawala ‘yung Palibhasa Lalake, tatlo ‘yung anak ko tapos going to four. And I just found myself really like, hopeless, helpless, to the extent na talagang I’ll take my own life.”

Pero dahil sa pagmamahal ng aktor sa kanyang mga anak, unti-unti siyang nakabangon. “Those struggles I went through, and honestly hindi ko talaga alam na kung paano ko naitawid talaga ‘yung mga anak ko,” pagbalik-tanaw ni John.

Nagkaroon ng apat na anak si John sa aktres na si Janice de Belen, na sina Inah, Moira, Kaila at Yuan. Noong naghiwalay sila ni Janice, nakilala naman ni John si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles.

“First meeting namin, kinapalan ko ‘yung mukha ko, in-approach ko ‘yung table niya, because I was single really at that time. Nakikita ko siya sa labas with Tim Yap, so what I did hiningi ko ‘yung number niya kay Tim,” sey ng aktor. Taong 2011 nang magpakasal sina John at Priscilla, at biniyayaan ng anak na si Anechka Estrada.

Hollywood actor na si Joseph Gordon-Levitt, nakabuo ng short film tungkol sa ‘Pinas

Nabuo na ng Hollywood actor na si Joseph Gordon-Levitt ang project na handog niya para sa bansang Pilipinas.

Sa kanyang official Facebook page, pinost ni Gordon-Levitt ang one minute-and-a-half short film titled The Beauty of the Philippines.

Nabuo ito ng montage of shots featuring the country’s sceneries and its people, including revered Kalinga tattoo artist Apo Whang-od.

Nagpasalamat ang aktor sa mga nag-contribute ng libu-libong photos and videos sa online collaborative media community HitRECord.

“Really pleased to share ‘The Beauty of the Philippines,’ the short film that so many of you created! Artists from the Philippines contri­buted thousands of photos and videos to bring other artists’ writing and voice acting to life. Your enthusiasm for this project really moved me. So did your talent and creativity,” post ng aktor.

Ayon pa sa voice-over ng film, “The most beautiful thing about the Philippines is its people. Every spot is special… but it is the people you will remember most. In their eyes, you will find hope and love and you will be forever changed,” the video concludes.

Happy si Gordon-Levitt sa kinalabasan ng kanyang project at ­looking forward siya sa next collaboration.

“The finished piece is “such a sweet celebration of a beautiful place and culture. Bravo to everyone who contributed! Hope you all enjoy it as much as I did. Looking forward to seeing what we’ll create together next.”

CHERIE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with