Lotlot at Monching, magkaibigan pa rin
Lotlot at Fadi El Soury
Lotlot at Monching, magkaibigan pa rin
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2020 - 12:00am

Magdadalawang taon nang kasal si Lotlot de Leon sa Lebanese na si Fadi El Soury. Matatandaang taong 2008 naman napawalang-bisa ang kasal ng aktres sa dating asawang si Ramon Christopher.

Kahit madalas magkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon si Lotlot at ang ina ng aktor na si Pilita Corrales ay mahal na mahal naman daw ng beteranang singer ang mga apo. “I don’t know if we have a relationship anymore.  Sa akin kasi okay na mahal niya ‘yung mga anak ko eh. Okay na ‘yung mahal n’ya ‘yung mga apo niya. For me kahit hindi na ako eh. Okay na sa akin mga bata na lang. In fairness to her, she’s always been there for my children as well. And because of that, I’m grateful to her. I’m grateful to the kindness she has always shown to my kids,” paliwanag ni Lotlot.

Nanatiling magkaibigan sina Lotlot at Monching para sa kapakanan ng kanilang mga anak. May mga pagkakataon na nagkikita at nakapag-uusap din ang dating mag-asawa. “Okay naman kami. Sometimes we see each other. Kami ni Fadi when we go to Janine’s house, sometimes he’s there. Kapag may basketball time si Diego, he is there. Wala naman kaming problema. We’re okay, kami naman kasi as parents, I think it’s already understood that when it comes to the kids we will always be there. We will always be united,” pagbabahagi ng aktres.

Lara, palaging mainit ang ulo kay Marco at sa dalawang anak

Nakatakda nang manganak si Precious Lara Quigaman ngayong linggo. Hanggang maaari ay gusto raw ng aktres at asawang si Marco Alcaraz na September 17 isilang ang kanilang pangatlong anak na lalaki.

Sa parehong petsa rin kasi ipinanganak ang pangalawang supling ng mag-asawa na si Tobias. “Gusto po naming makatipid, ha-ha-ha! Saka dahil maliit lang naman ‘yung agwat nila sa age, naisip namin na pagsabayin na (ang birthday celebration). Alangan namang one week apart pa,” natatawang pahayag ni Lara.

Bilang paghahanda ay kinailangan pa umanong magpa-swab test ng beauty queen-actress bago manga­nak ngayong Huwebes. “Sa mga buntis na malapit nang manganak, required tayo na magpa-swab test kahit na wala tayong nararamdaman. Kasi katulad sa akin sa hospital kung saan ako manganganak, 14 days ang vali­dity ng swab test ko. Considered ka as potential covid patient (kapag hindi nagpa-swab test). Siyempre to be safe, kailangan makuha na kaagad ‘yung result bago pa ako mag-labor before then. Dahil nga CS ako, we can schedule, and our schedule is on September 17 pa, 39 weeks na ako. Excited na ako, medyo kinakabahan,” paglalahad niya.

Nitong mga huling araw ay nagsimula nang maging iritable at mainit palagi ang ulo ni Lara sa kanyang mag-aama. “Nga­yon pa lang gusto kong mag-sorry, ngayon pa lang mainit na palagi ‘yung ulo ko kay Marco, sa mga bata. Sorry na kasi alam ko pagda­ting ni Baby, siyempre mas lalong walang tulog. Pati ‘yung mga bata kailangang kausapin na mainit talaga ang ulo ni mommy. May mga araw talaga na hindi ako magi­ging okay, na wala akong tulog. Sana maintindihan ng mga boys and kailangan din nating mga mommies na mag-pray for more patience,” pagtatapos ng aktres.  (Reports from JCC)

LOTLOT DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with