^

PSN Showbiz

Jinkee, nag-aalala kay Heaven

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee, nag-aalala kay Heaven
Jinkee

Sobra talaga sa bait si Mama Jinkee Pacquiao. Akala ko naman dahil na-blind item na ‘yung issue ni Heaven Peralejo, balewala na kung isulat at ilagay ko sa Instagram.

Masyadong na-bother si Mama Jinkee, dahil sa negative reaction ng iba sa ibinigay niyang tulong na P100K kay Heaven, kaya gusto niya na alisin ko ang post ko tungkol ditto na nasulat ko rin dito sa column ko.

Never akong nagbura ng post, kasi nga pinapanindigan ko ang bawat sasabihin ko. Gusto ko lang purihin ang kabaitan ni Mama Jinkee na agad tumulong kay Heaven, kahit pa nga kay Champ Manny siya nag-text para magpatulong.

Wala namang masamang humingi ng tulong, lalong maganda naman ‘yung gesture na nagbigay-tulong ka.

Siguro nga kaya lang naging negative ay dahil na rin sa pagpapakita ni Heaven sa social media ng kanyang lifestyle, iyon ang naging reaction ng mga tao.

Kung hindi naman siguro, akala ng tao ok siya financially, hindi sila magugulat na humihingi siya ng tulong.

So sorry na ganoon pala karami ang nagri-react sa sinulat at sa IG ko, kalokah talaga. So sorry sa naging reaction ng marami.

Marian at Dingdong parang nasa honeymoon stage pa

Talagang marami ang napapraning kay coronavirus.

Imagine mo na kahit very professional sa trabaho si Ma­rian Rivera ay nagawa niyang tanggihan ang First Yaya, dahil sa takot na baka matamaan siya nito. Ayaw niya sa lock-in taping dahil hindi niya makikita ang mga anak niya.

‘Yung pag-iingat niya lalo pa nga at hanggang ngayon ay naka-breastfeed pa si Ziggy, at sobrang close sa kanya ni Zia, kaya talagang kung puwedeng huwag siyang lumabas ng bahay, at halos maligo at uminom na ng alcohol para ma-sure na talagang malinis na malinis siya at hindi tatablan ng virus.

Grabe talaga ang takot ni Marian, kaya naman naintindihan naman ng GMA 7 ang sitwasyon niya.

Ang maganda habang tinuturuan niya si Zia sa online study nito, nag-aaral din siya para sa isang entrepreneurship program at balak din niya na kumuha ng formal training kay Heny Sison sa baking.

Bongga siya, parang talagang sa bahay na lang siya mag-i-stay, hah hah, at baban­tayan ang paglaki nina Zia at Ziggy.

Ang suwerte naman ng Dantes fami­ly, na talagang hanggang ngayon para pa ring nasa honeymoon period. Maligaya kahit lockdown, kasi nga puno ng pagmamahal. Bongga talaga.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with