^

Rapper, pinangangalandakan na ang kabadingan

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2020 - 12:00am

“Bakit, maibibigay ba ng ibang tao ang kaligayahang hinahanap ko? Ano ang pakialam nila kung ipagbanduhan ko man ang kabaklaan ko?” ganu’n mismo ang katwiran ng isang lantad nang beking singer na produkto ng isang singing contest.

Magaling siya, marami siyang pinakakain ng alikabok kapag bumibirit na siya, pero may mga pumapansin sa palagian niyang pagpo-post ng mga retrato nila ng kanyang boyfriend.

Sabi ng aming source, “At least, nagpapakatotoo siya! Hindi siya nagtatago sa dilim! Inaamin niya ang kabadingan niya!

“May point naman siya, e, bakit pa siya magtitiis na itago ang totoong gender niya? E, sa maligaya siya sa ginagawa niya at walang ibang taong makapagbibigay nu’n sa kanya!

“Kailangan pa ba niyang mag-rap para lang matumbok natin kung sino siya? Waley na!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Vaccine sa COVID, dapat unahin ang gov’t officials

Isang meme ang ipinadala sa amin ni SOS tungkol sa COVID-19 vaccine na inaabangan na ng buong mundo ngayon para mamaalam na ang salot.

Sa mga tiwaling government officials daw unang dapat isaksak ang bakuna, kaya ang sabi ng meme, “They should first test the COVID-19 vaccine on government officials.

“If they are safe, the vaccine is good. If they die, the country is safe.”

Ganu’n daw!

Tuyot na mukha ni BB, kailangan ng produkto ng Beautederm

Isang mag-asawang sampal sa tuyot na mukha ni Rustom Padilla ang pagiging bagong brand ambassador ni Piolo Pascual para sa pinagkaka­guluhan na sa merkadong mga produktong pampaganda ng Beautederm company.

Ang ilusyon kasi ng binabaeng ito ay maaapektuhan si Piolo ng kanyang mga rebelasyong siya lang naman at ang kanyang mga alipores ang naniniwala.

Wala na raw dapat pang proteksiyunang career si Piolo, tapos na raw ang panahon ng guwapong aktor, dahil kuwarenta’y tres na ito ngayon.

Ang hindi alam ng Rustom na ito ay parang alak si Piolo Pascual na habang tumatagal ay mas sumasarap, tumandang hukluban man ang aktor ay ito pa rin ang ituturing na papa ng bayan, walang iba.

Hindi nagtagumpay si Rustom Padilla na wasakin ang imahe ni Piolo sa kanyang mga ilusyong kuwento. Pinakakain siya ng apdo ng mga netizens, maraming artistang nagdedepensa kay Piolo, ni isang porsiyento ng mga manunulat ay walang nakuha si Rustom para kampihan siya.

Napakalaking karagdagan sa Beautederm si Piolo Pascual. Siguradong mas tatangkilikin pa ng publiko ang mga produktong hatid ng kanilang CEO na si Rhea Tan.

Kaliwa’t kanang patunay na ang naririnig namin tungkol sa pagiging epektibo ng mga produkto ng Beautederm, may mga kababayan nga tayong hindi kumpleto ang araw kapag hindi sila guma­gamit ng mga produkto ng kumpanya, dahil nakikita nila kung gaano kahusay ang epekto ng mga ito sa kanilang kutis.

Kaya sige pa, Rustom Padilla, talak pa more para madagdagan pa ang mga produktong ineendorso ni Piolo Pascual.

Nang-iinis na komento ng kaibigan naming propesor, “Hindi pa ipinanganganak ang taong makapangwawasak kay Piolo. Si Piolo lang ang makapaninira sa sarili niya.

“Baka gustong gumamit ni Rustom ng mga produkto ng Beautederm? Halatang-halata kasi na kulang na kulang siya sa collagen, kaya tuyot na tuyot ang itsura niya!” sarkastikong komento ng kaibigan naming si prop.

“True friends say good things behind you back and bad things to your face”

Totoong-totoo at lumalatay ang linyang ipinost ng Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas, ang kanyang sabi, “True friends say good things behind you back and bad things to your face.”

Naman! Siguradong wala nang mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan sa panghuhula kung kanino ‘yun gustong iparating ng sikat na komed­yana. May iba pa ba?

Akala kasi ni AiAi ay tatanggapin ni Rustom Padilla nang positibo ang kanyang komentong tantanan na nito si Piolo at mag-move-on na.

Pero ano ang ibinalik na mga salita ng binabaeng ‘yun sa kanya? Isa siyang plastic, ipokrita at kaibigang putik.

Tama naman si AiAi, ang tunay na kaibigan ay hindi traydor, hindi nagsasalita nang talikuran, ang totoong kaibigan ay nagsasabi ng ating mga kakapusan at kalabisan nang harap-harapan.

Hindi bale, sinaksak man siya nang patalikod ng inakala niyang kaibigan pa ring si Rustom Padilla ay siya pa rin ang nasa unahan, nasa gitna pa rin siya ng aksiyon at may korona pa rin.

Sabi nga ni Manay Lolit Solis, “Ang laos, e, laos na!”

RAPPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with