Shows ng GMA News TV, tsutsugiin muna!
Jessica
STAR/ File
Shows ng GMA News TV, tsutsugiin muna!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2020 - 12:00am

Show ni Michael V mas mataas ang rating ng replay kesa new normal episode

Mga staff puro cash advance

Ayaw kaming sagutin ng ilang taga-GMA News TV tungkol sa isyung may mga programa silang nanganganib masibak.

Ang unang napabalita ay ang State of the Nation ni Jessica Soho at ang Tonight with Arnold Clavio.

Ang sinasabing dahilan ay ang safety ng mga tao dahil kahit anong ingat daw sa taping, meron pa rin talagang nagkakasakit at nahawa ng COVID-19.

Ibabalik daw ito pagkatapos ng pandemyang ito at pag safe na ang lahat.

At ang latest na nakara­ting sa amin, hindi lang ang dalawang programang ito ang matetegi kundi nanganganib na rin daw ang Biyahe ni Drew, QRT, Balitanghali, News TV Live, Good News, Ang Pinaka, Pinas Sarap, Bawal ang Pasaway, Reel Time at Investigative Documentaries.

Ang nakarating pa na kuwento, wala pa raw katiyakan kung makakabalik ang mga programang ito kaya sa ngayon ay tengga ang mga staff at nagka-cash advance na lang muna sila.

Ang winu-worry ng mga staff  baka nga mabaon daw sila sa utang dahil sa kaka-cash advance.

Wala pa kaming nakukuhang sagot mula sa bosses ng GNTV. Meron lang natanong ang ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer at sinabi lang daw sa kanya na hindi raw totoo iyun.

Pero abangan na lang natin ang statement nila kaugnay dito, dahil hindi pa rin daw alam ng mga staff kung may babalikan pa ba silang show.

Samantala, naipalabas na ang bagong episode ng Pepito Manaloto, pero virtual nga lang si Michael V.

Ang gusto yata ng mga manonood ay iyung nakikita nilang umaarte talaga si Bitoy dahil masaya pa rin namang panoorin ang mga replay episode.

Kaya nung nakaraang Sabado, September 5 ay 19 percent ang rating ng bagong episode na mas mataas pa ang naunang replay episode na naka-21.1 percent.

Kaya malaking challenge din talaga sa production staff ng mga programang ito dahil kailangan mas higitan nila ang replay episode.

Hindi kasi maiwasang naapektuhan ang kuwento ng mga bagong episodes dahil limitado ang kilos  at maraming iiwasan para masunod ang safety measures na ipinapatupad ng DOH at IATF.

Ngayong Linggo ay bagong episode na ang mapapanood sa The Boobay and Tekla Show, pero kahit may physical distancing at maraming hindi puwedeng gawin, nagawan naman nila ng paraan na mapasaya ito. Special guest nila si Mark Bautista.

Piolo virtual ang contract signing sa Beautederm

’Kahit ano pang isyung kinasangkutan ni Piolo Pascual, gustung-gusto pa rin siya ng mga tao kaya nandiyan ang tiwala sa kanya na mag-endorse ng mga produkto.

Ang latest nga ay ang Beautederm na virtual daw ang contract-signing at kahit sa pictorial ng Kapamilya actor ay nakahiwalay din.

Sa Makati nagpa-pictorial si Papa P at si Ms. Rhea naman ay nasa Angeles, Pampanga.

Si Piolo ang pinaka-bonggang sorpresa ng Beautederm na nag-celerate ng kanilang 11th anniversary.

Iniendorso ni Piolo, na very active at healthy ang lifestyle, ang Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dash men’s line.

Bagay nga naman sa kaguwapuhan ni Papa P na laging fresh-looking. Aware naman daw si Piolo sa Beautederm dahil ito pala ang ginagamit ng kapatid niyang babae.

Kaya sobrang excited si Ms. Rhea na bahagi na ng Beautederm family ang guwapo pa ring Piolo. Sa pictures at sa billboard pa lang niya nakikita ang bago niyang brand ambassador, sobrang tuwang-tuwa na si Ms. Rhea, ano pa kaya kapag magkita na sila at makakabalik na sa mga mall show ang Beautederm kasama na si Papa P.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with