^

PSN Showbiz

Sunshine, di nakaranas ng diva attitude sa Love Thy…

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, di nakaranas ng diva attitude sa Love Thy�
Sunshine

Kahapon ay nagtapos na ang teleseryeng Love Thy Wo­man na pinagbidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Naging bahagi rin si Sunshine Cruz ng naturang proyekto. Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil natapos nila ang trabaho kahit na limitado na lamang ang mga naging galaw ng buong production team dahil sa banta ng covid-19 pandemic.  “Nagsimula kami na walang problema, walang pandemic. So I thought na matitigil kami. That’s why I’m so thankful. Salamat sa Dreamscape, salamat sa Kapamilya network na nagdire-diretso and nagbibigay ng kaligayahan kahit paano sa ating mga televiewers ngayon,” pahayag ni Sunshine.

Naging malapit din ang aktres sa mga kapwa-artistang nakasama sa nagwakas na serye. Naging madali umano ang trabaho ni Sunshine dahil sa pagiging propesyonal ng mga ito. Bukod kina Kim at Xian ay tampok din sa Love Thy Woman sina Yam Concepcion, Ruffa Gutierrez, Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla at Christopher de Leon. “Amazing lang, nagkataon lang din siguro na napasama ako sa mga artista na ang gusto lang ay magtrabaho nang maayos. Puro professional, walang naging diva. Kaya nakakatuwa talaga. Noong una nagkaroon ng konting hiccups pero eventually naman nakakatuwa kasi napaka-smooth sailing ng trabaho,” pagbabahagi ng aktres.

Buking... JC at Jane, may nakaraan

Kamakailan ay ikinagulat ng netizens nang tanungin ni Yam Concepcion si JC Alcantara sa online show na We Rise Together tungkol kay Jane de Leon. Sa pagkakatanong ng sexy actress sa binata ay nangangahulugang may nakaraan sina JC at Jane. “JC, grabe na-miss na kita. Kayo pa rin ba ni Jane de Leon? Ay!” natatawang tanong ni Yam sa aktor.

Ikinagulat naman ni JC ang naging tanong ng dalaga kaya bigla ring natawa ang aktor. “No, hindi na po. No po, no po,” pagtatapat ni JC.

Matatandaang nakasama ni Yam sina JC at Jane sa teleser­yeng Halik. Sa naturang serye din posibleng nabuo kung ano man ang namagitan kina Jane at JC. “Sobrang nakaka-miss po, sobrang saya namin sa taping ng Halik. Masaya na ako, Ate Yam. Masaya na ako sa kung ano ang nararating ko ngayon. Blessed ako sa ibinibigay sa aking project ng Rise kaya focus muna ako sa work ko ngayon,” makahulugang pahayag ng aktor.

“Ako rin eh, sobrang focus din ako sa work, ayaw ko muna mag-love life. Sayang ang career,” natatawang sagot naman ni Yam kay JC. Reports from JCC

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with