^

PSN Showbiz

Sarah at nanay, dumarami ang panindang pagkain!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Sarah at nanay, dumarami ang panindang pagkain!
Sarah at mga anak

Sa rami ng internet app kung saan puwede kayong makapag-video call, ang dali na talagang magkakontakan ngayon, Ateng Salve.

Nang makatsikahan ko kasi si Sarah Lahbati, tinanong ko siya kung kumusta na ang husband niyang si Richard Gutierrez na naka-lock in ngayon sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Batangas at ok naman ang sagot niya. Nakaka-video call naman daw nila ng mga anak na sina Zion at Kai ang kanilang “Dada,” pero siyempre, nasanay na ang mga bata na madalas na nasa bahay si Richard, kaya naninibago na naman ang dalawang anak na nasa work na naman ang kanilang tatay. “Chard left the house noong Sunday for the lock-in taping so the kids, sobrang miss na miss na siya. Pero nagbi-video call naman si Chard, so nakakausap siya ng kids,” sey ni Sarah.

Mabuti na nga lang at si Sarah, palaging kasama ang kids nila ni Richard kaya nababantayan niya ang online class ni Zion. Kailangan pa rin daw kasi na naka-guide siya sa kanilang panganay.

Ang sweet nga pala ni Sarah, Ateng Salve, dahil noong dumating ako ng bansa mula sa almost six months stay ko sa Los Angeles, California ay pina­dalhan niya ako ng welcome home gifts na chocolate cookies na my gosh, the best!

Akala ko nga gawa nila ‘yon ng nanay niyang si Esther Lahbati, pero hindi raw. May kinukunan daw siya at favorite nga raw nila ‘yon. Sabi ni Sarah, padadalhan din daw niya ako ng mga pagkain nila ng nanay niya na part ng kanilang Crave Simply by Esther and Sarah online business.

Bukod pala sa Swiss Lasagna, may Og Biko, Og Bolognese, Bicol Express, Ube, Garlic Shrimp, Empanada at Ginisang Bagoong na sila.

Siyempre gusto kong matikman ‘yung Swiss Lasagna nila na ayon mismo sa biyenan niyang si Annabelle Rama ay napakasarap, huh!

Pelikulang may subtitles, ‘di swak sa drive-in cinema

Pinag-uusapan naman ‘yung drive-in cinema ng SM Mall of Asia. May ilang friends ako na nanood doon at ang Korean movie na Peninsula na sequel ng zombie movie na Train to Busan.

Marami raw ang nag-watch at 106 cars daw ang puwede doon, pero disappointed ang friends ko na nanood dahil mahirap daw kapag pelikulang may subtitles ang palabas dahil nahirapan daw silang magbasa. Hindi raw advisable na ganoong klaseng pelikula ang panoorin sa isang drive-in cinema.

Naku, gusto ko pa namang ma-experience rin ang panonood doon, pero siguro kapag pelikulang Tagalog or English na lang para hindi mahirap magbasa ng subtitles at saka ako manonood, huh! Right, Ateng Salve?! ‘Yun na!

SARAH LAHBATI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with