Julia, manhid na sa mga intriga
Julia
Julia, manhid na sa mga intriga
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 10, 2020 - 12:00am

Maraming kontrobersiya na ang kinasangkutan ni Julia Barretto.

Para naman sa aktres ay mababaw lamang ang kanyang pinagdaanan kumpara sa krisis na kinakaharap ng bansa ngayon dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “It’s like there are more people, especially now just watching what other people are going through. We are losing people, people are getting sick, people are losing their jobs. Some people have nothing to eat on the table. That’s much worse than what I went through last year,” makahulugang pahayag ni Julia.

Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Julia at Joshua Garcia bilang magkasintahan noong isang taon. Naugnay din ang aktres kay Gerald Anderson na sinasabing dahilan diumano ng paghihiwalay ng dating magkasintahan.

Sa edad na dalawampu’t tatlo ay naniniwala si Julia na mas maraming mabibigat na pagsubok pa ang kanyang posibleng maranasan. “I have yet to have my family, my own children, adulting and when I’m in my 30’s and 40’s, it’s just a different battle each year. For me, at that time, okay this is the battle I’m facing now but you just gotta get moving until the next one. It’s not the end ofthe world last year,” giit ng dalaga.

Nakasanayan na rin ni Julia na palipasin lamang ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan upang hindi siya maapektuhan nang sobra. “Nothing really is permanent. One thing I learned is you can’t get stuck, especially being only 23,” pagtatapos ng aktres.

Boyet, nag-enjoy katrabaho ang mga mas bata

Bukas ay magtatapos na ang teleseryeng Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Kabilang din sa naturang proyekto si Christopher de Leon na gumanap bilang si Adam Wong.

Namatay na kamakailan ang karakter ng aktor kaya naman aminadong tiyak na hahanap-hanapin niya ang mga nakatrabaho sa serye. “Alam mo si Eula (Valdez), kengkay talaga ‘yan. Nakakatuwa, she’s so smart and funny and ang gaan (katrabaho),” bungad ni Christopher.

Ayon sa beteranong aktor ay talagang nakasundo niya ang lahat maging ang mga kabataan na nakatrabo sa proyekto. “Si Kimmy (Kim Chiu) every time I see her, ‘Tito Bo!’ You know, she’s so sweet. She lightens up your day. And ‘yung camaraderie, kami nina David (Chua), Xian (Lim) sa loob, kwentuhan. At the same time nakakatuwa everybody is professional, walang naging pa-star. Wala ‘yung attitude, wala,” pagbabahagi ni Boyet.

Tampok din sa Love Thy Woman sina Yam Concepcion, Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez at Zsa Zsa Padilla. Kailangang pakatutukan bukas ang bawat eksena sa final episode na siguradong tatatak sa isipan ng mga masugid na manonood. (Reports from JCC)

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with