^

PSN Showbiz

Aktres, tinapos na ang pagtitiis sa buhay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa ngalan ng pag-ibig ay isinarado ng isang kilalang female personality ang mga dilat niyang mata tungkol sa katotohanan. Matagal nang may mga nagsasabi sa kanya na kuwestiyonable ang kasarian ng kanyang karelasyon pero ipinagkibit-balikat lang niya ‘yun.

Maging ang kanyang mga kaibigan ay nagpapayo sa kanya na talasan ang kanyang pakiramdam para hindi siya magsisi sa bandang huli pero wala siyang sinumang pinakinggan.

Kuwento ng aming source, “Binulag siya  ng pagmamahal. Para siyang bulag, pipi at bingi dahil mahal na mahal niya talaga ang male personality. Wala siyang pakialam sa mga naririnig niya tungkol sa gender ng karelasyon niya.

“Basta ang malinaw lang na alam niya, e, mahal na mahal niya ang male personality at mahal din daw siya. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng buong mundo, ang pinakinggan lang ng girl,e, ang puso niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Hanggang sa ang relasyon nila ay nauwi na sa kasalan. Pinanindigan ng female personality ang pagmamahal niya sa aktor. Ipinaglaban niya ang kanilang relasyon.

Patuloy ng aming source, “Hanggang sa one day, e, ang girl na mismo ang nakaramdam na mukhang totoo nga ang payo ng kanyang mga kaibigan. Lumalabas na kasi ang tunay na kulay ng mister niya.

“Nakakahiya mang sabihin, pero bilang na bilang ng girl ang pagkakataong ginagalaw siya ng mister niya, Napakaraming pagkakataon para makabuo sila ng baby, pero walang panahon ang male personality sa gusto niya.

“Mas gusto pang umalis ng bahay ng male personality para makasama ang mga kaibigan niya. Siyempre, mga lalaki ang friends niya!

“Kapag nagpaparamdam ang female personality tungkol sa mga biological needs niya, e, deadma lang ang husband niya. Parang naiinis, nagtutulug-tulugan, panay ang reklamong napagod siya sa shooting.

“Tapos na ang kanyang pagtitiis, nag-impake siya ng kanyang mga kagamitan, sabay lipad sa ibang bansa. Siya mismo ang nakapagpatunay na hindi sila makapagbubuo ng happy family.

“Hindi siya ang hanap ng male personality, hindi talaga siya, dahil ang feeling nu’ng male personality, e, siya ang binibini,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!!!

LizQuen iniingatan ng kapamilya

Totoong-totoo na kinukuha ng GMA-7 at TV5 ang serbisyo ni Liza Soberano. Nakausap na ng mga emisaryo ng dalawang istasyon ang kanyang manager na si Ogie Diaz.

Sa pagpapakandado sa ABS-CBN ay walang ibang hinahanap ngayon ang mga artista ng network kundi trabaho. Ang iba ay meron na, pero mas maraming wala pa, kaya mara-ming personalidad na pumapailalim ngayon sa depresyon.

Pero iba ang kaso ng napakagandang young actress, siya ang nilalapitan ng oportunidad, hindi siya ang naghahanap. Pero maingat sila ng kanyang manager sa pagkilos, hindi sila agad-agad naghahangad ng pagkakakitaan, naghihintay pa sila ng hinog na pagkakataon.

Isa si Liza Soberano sa mga iniingatan ng Kapamilya network. Hanggang maaari, hanggang kaya pa naman nila ng kanyang manager, ay huwag muna silang lumundag ng bakod.

Nakalinya na ang pelikulang gagawin nila ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil, malaki na ang napatunayan ng kanilang loveteam sa takilya, mahirap nga namang basta pakawalan ang mga talentong tulad nila.

Lotlot, pinagbibintangan pa ring maldita kahit todo paliwanag

Komento ng isang kaibigan namin ay hindi rin natin masisisi ang mga namba-bash kay Lotlot de Leon kung bakit siya tinatawag na maldita at walang utang na loob.

Nagkumpara ang mga kumokontra kay Lotlot, hindi rin kasi maganda ang relasyon nila ng kanyang dating biyenang si Ms. Pilita Corrales, dahil sa kanyang kamalditahan.

Dagdag na impormasyon pa ng aming kausap, “Wala namang kasundo si Lotlot, di ba? Ang dati niyang biyenan, ang mommy niyang si Nora Aunor, alangan namang parehong mali ang mga mas nakatatanda sa kanya?

“Maldita kasi siya, daldal nang daldal, sarcastic pa siya. Walang pinakamaganda kundi ang manahimik na lang siya!” pahayag nito.

Inuulit namin, maglabas man ng mga kuwento si Lotlot tungkol sa malungkot niyang pagkabata sa poder ni Nora Aunor ay siya pa rin ang mapapasama.

Magiging dakila pa rin ang Superstar sa mata ng publiko dahil hindi lahat ay magkakaroon ng pusong kumupkop, magmahal, magpalaki at kumandili sa mga sanggol na ni gapatak na dugo ay walang kuneksiyon sa kanya.

Sa totoong-totoo lang.

vuukle comment

AKTRES

LIZQUEN

LOTLOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with