PTV planong 'tapatan ratings ng GMA' sa pagkawala ng ABS-CBN sa ere
Sa 'di pinetsahang litratong ito, makikita si PCOO Secretary Martin Andanar habang nagtatalumpati sa tapat ng media.
Presidential Photo/Ace Morandante

PTV planong 'tapatan ratings ng GMA' sa pagkawala ng ABS-CBN sa ere

(Philstar.com) - September 9, 2020 - 7:14pm

MANILA, Philippines — Ngayong hindi na-renew ang prangkisa ng Kapamilya Network sa free television, umaasa ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na kakayanin nang makipagsabayan ng state-owned People's Television (PTV) sa mga commercial broadcasting giants.

Ito ang inilahad ni PCOO Secretary Martin Andanar sa pagdinig ng Kamara, Miyerkules, sa kanilang budget.

Kanina kasi, natanong ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap kung pinapangarap na ba ng PCOO na makipaggitgitan sa ratings ng Kapuso Network ang government station ng Channel 4.

"We've had the plan to at least be able to compete as far as ratings is concerned. And the PTV being government owned, it has to make its own money from advertisers," paliwanag niya.

"Ang nagpapatakbo po ng PTV ay general manager at members of the board."

Dagdag pa ng kalihim, nalalapit na ring buksan ang "Mindanao hub" ng PTV-4, bagay na ilulunsad daw sa Oktubre.

Isa ang PTV sa mga attached-agencies ng PCOO, na siya ring sister company ng Radio Pilipinas Network, Intercontinental Broadcasting Corporation at Philippine Broadcasting Service.

Si Andanar, na unang naging anchor sa GMA News, ay mas nakilala para sa kanyang broadcasting career sa TV5 — isang network na nililipatan ngayon ng maraming ABS-CBN stars at ilang GMA-7 talent.

May kaugnayan: Kamara ibinasura ang ABS-CBN franchise renewal

May kinalaman: Ted Failon reportedly moving to TV5's Radyo5 as more ABS-CBN radio stations shut down

Nabahala naman si Yap sa natatanggapo na sahod ng mga cameraman at ilang empleyado ng network, lalo na't wala raw silang hazard pay, overtime pay at mga libreng face masks.

Pagtitiyak ni Andanar, mga miyembro na ng PTV board ang magdedesisyon hinggil sa compensation ng kanilang mga manggagawa, habang sinisiguro namang ipinaglalaban niya ang kanilang kapakanan. — James Relativo

ABS-CBN GMA-7 LEGISLATIVE FRANCHISE MARTIN ANDANAR PTV TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with